Pokwang, niregaluhan ni Lee O’Brian ng diamond ring

Pokwang, niregaluhan ni Lee O’Brian ng diamond ring

PokwangTunay na hindi mo alam kung saan ka dadalhin ng pag-ibig mo. Kaya nga natuwa kami kay Pokwang na after so many relationships ay nagiging maganda ang itinatakbo ng pakikipagrelasyon niya sa kanyang current boyfriend na si Lee O’Brian na nakilala niya during the shooting of her movie last year sa San Francisco, California.

Ang dati’y pa-cute na relasyon lang ni Mamang Pokwang at Lee, ngayon ay nauwi na sa tila seryosohang relasyon dahil ang American actor ay nag-alsa balutan na at iniwanan ang bahay nito sa San Francisco, para rito na manirahan sa Pilipinas para makasama ang komedyante.

Happy kami kay Mamang dahil ngayong Pasko, makakapiling niya si Lee at magkakasama sila together with her only daughter na si May na tanggap na rin ang boyfriend ng ina.

Sa media launch ng Chrismas offering ng Star Cinema sa darating na MMFF 2015 na “All You Need is Pag-ibig” ibinalandra na ni Pokie ang diamond ring na regalo ni Lee sa kanya. Hindi nga lang namin naurirat kung ang singsing na nakasuot sa mga daliri niya ay isang “engagement” ring or topak lang ng lalaki na gustong gumastos para mapangiti ang kanyang lady love.

In reality, si Mamang happy sa kanyang lovelife compare sa kanyang karakter sa pelikula niya with Kris Aquino, Kim Chiu, at Xian Lim at ang tambalang Ian Veneracion at Jodi Sta. Maria, kung saan ang kanyang ka-long distance love affair sa internet na isang foreigner ay tila nagbibigay naman ng pasakit sa kanya sa kuwento.

The fact na open naman si Mamang sa kanyang lovelife with Lee O’Brian, malamang sa haybols sa Antipolo na rin si Lee nakatira.

Reyted K
By RK VillaCorta