Pokwang, natagpuan na ang kaligayahan sa piling ng American actor na si Lee O’Brien

Pokwang, natagpuan na ang kaligayahan sa piling ng American actor na si Lee O’Brien

Pokwang-Lee-O-BrianSA PAG-IIBIGAN na walang intriga, heto’t happy kami kina Pokwang at Lee O’Brien na as of this writing ay nandito sa ‘Pinas at ninanamnam ang pag-ibig na natagpuan niya ka Powkie. Tama lang na i-enjoy ng komedyante ang saktong pag-ibig na hanap niya sa American actor na nakilala niya at nakasama sa isang project para sa TFC last year.

Sa mga photo posting na nakita namin sa social media, tila love na love ni Lee si Pokwang, which is a good sign dahil swak na swak naman talaga ang dalawa. Si Powkie na isang maasikasong “misis in the future” at si Lee naman ay tila isang responsableng mister, not bad na ang dalawa ay magkatuluyan na for life.

Tulad si Mae na nag-iisang anak na dalaga ng komedyante ay aprub naman sa kanya ang relasyon ng dalawa. Ayos, wala nang problema o paliwanagan pa.

Sa recent Palawan vacation ng dalawa, nang-inggit pa ang komedyante sa walang puknat na ka-sweetan nila ng boyfriend. Yakap, kandung at beso-beso lang naman ang ginawa ng dalawa aside from enjoying the beautiful beach of Coron.

Sa kanyang IG account, nag-post si Powkie ng mga shots sa kanya in her revealing swimsuit na super seksi na akala mo’y model siya ng French Vogue dahil super sexy ni “Pekpek”.

Sa kasalukuyan, si Powkie, bukod sa pagiging busy sa kanyang lowlife (which she deserve) ay busy rin siyempre sa kanyang career with a regular teleserye na Nathaniel na napapanood on weeknights after TV Patrol.

Happy kami kay Powkie at Lee. Matagal-tagal na rin namang hinintay ni Powkie ang pagkakataong ito. Sa mga nag-iisip pa ng hindi maganda sa maganda at masayang buhay ng tao at sa karapatan niyang lumigaya, huwag na sanang dautin.

Reyted K
By RK VillaCorta