Pokwang, napatunayang ‘di ilusyonada

Pokwang, napatunayang ‘di ilusyonada

Lee-O-Brian-PokwangANG GANDA ni Pokwang. Akala ng iba, ilusyon lang ang sinasabing “boyfriend” niya, noong aminin niya sa Kris TV last week na sila na ng co-star niya sa pelikulang Edsa Woolworth na si Lee O’ Brian.

Marami kasi sa mga taga-showbiz na pasasakayin ka lang para mapag-usapan. But with Pokwang and Lee’s love affair, 100% na totoo ito at hindi lang pang-promo, dahil una sa lahat, tapos na ang pelikula para sabihing nag-e-emote lang ang dalawa para may mapag-usapan sa promotion ng pelikula.

Ganda-gandahan ng komedyante dahil sa phone patch kay Lee sa feature na ipinalabas sa The Buzz confirming na sila na ngang dalawa ni Pokey, tameme ang mga nag-aakusa sa komedyante na ang tungkol sa kanila ni Lee ay isa lamang ilusyon.

Sa katunayan, nakapagpapataba ng puso ang confirmation ni Lee para matigil na ang mga pang-iintriga ng mga “nega” sa komedyante.

Sa pagkakaalam ko, hindi pa yata nami-meet ng anak niyang si Mae si Lee nang dumalaw ang American actor sa haybols ng komedyante Antipolo noong andidito ito para sa promo ng pelikula nila ng komedyante.

At that time na dumalaw si Lee sa bahay ng “bagong girlfriend” ay wala si Mae at nasa condo nakatira malapit sa school niya located sa The Fort.

Sa April, tulad ng kumpirmasyon ni Pokey na darating si Lee, malamang sa hindi, makikilatis na ni Mae ang “future stepdad” niya.

Happy feeling para kay Pokey who deserves to be happy this time.

Reyted K
By RK VillaCorta