Pokwang, nagbunga ang dasal na magka-dyowa

Pokwang, nagbunga ang dasal na magka-dyowa

Pokwang-Lee-O-BrianAT LEAST, nagbunga na rin ang mga dasal at sacrifices ni Pokwang. Meron nang laman ang puso niya na matagal nabakante. Sa ilang mga pagkakataon na mataimtim niya na pagdarasal, malamang sa hindi, kasama ang dating ka-partner niya sa Edsa Woolworth na si Lee O’ Brian sa mga hinihiling niya.

Yes, matagal na ring walang lovelife ang komedyante and sa sipag niya, we want her to be happy naman. Iba pa rin kasi na happy and contended ka sa sarili mo, lalo na sa usaping puso dahil mas nakai-inspire nga namang mag-work kung sa pagising mo sa umaga, alam mong may taong nagmamahal sa iyo at nag-aalaga sa puso mo.

Huwag na nating isama ang pamilya ni Pokey na nagmamahal sa kanya. Alam na rin ng nag-iisang anak niya na si Mae na kung may lalaking mamahalin man ang inam, ito’y makatutulong para maging masaya ang komedyante.

Bago bumalik ng Amerika si Lee during the promotion ng movie nila last January, nagkausap nang masinsinan ang dalawa. Malinaw na. In short, sa usapang bagets may M.U. na ang dalawa.

Darating si Lee sa April. Ngayon pa lang, inihahanda na ni Pokey ang sarili sa relasyon na pinasok with Lee. Kung sakali, ready na siyang tumira sa Amerika kung ito man hihilingin ng lalaking mamahalin niya.

Reyted K
By RK VillaCorta