Pokwang, nagbebenta lang ng plastik

ADVERTISING

Pokwang, nagbebenta lang ng plastik

Pokwang, nagbebenta lang ng plastikHINDI na mapipigilan ang kasikatan ni Pokwang. Dito at sa iba-ibang bansa man, ang magaling na komedyana ang kinagigiliwan ng ating mga kababayan. Ang marami nga sa kanila, nanonood na lang ng Wowowee dahil sa kanya. Ganu’n na kasikat ngayon ang nakaaaliw naman kasi talagang komedyana.

ADVERTISING

Kinakarir ni Pokwang ang bawat paglabas niya sa TV, gumagastos siya para sa kanyang mga costume, sariling pera niya ang ginagastos ng komedyana at hindi pera ng production.

“Kunwari, sa isang araw, meron akong gagayahing personality, ngayon pa lang, iniisip ko na kung anu-ano ang kailangan kong ihanda. Kung wala akong existing na props, nagpapabili talaga ako, para plakado ang impersonation na gagawin ko.

“Manggagaya ka na rin lang, eh ‘di, idikit mo na nang husto, ‘di ba? Nagre-research talaga ako kung sino ang puwede kong gayahin, pinaghahandaan ko ‘yun,” kuwento pa ng komedyanang hit na hit sa panggagaya kina Nanay Dionesia Pacquiao at Annabelle Rama.

ADVERTISING

“Si Nanay Dionesia, mataas ang boses niya, umiindayog! Si Tita Annabelle naman, mababa na pabigla-bigla. Magkaiba ang tono nila, pero pareho silang karakter,” tawa nang tawang pahayag ng magaling na komedyana.

Patuloy ang pagdating sa kanya ng suwerte. Halos wala na siyang pahinga sa pagso-show sa iba-ibang bansa, kaya sinasamantala niya naman ang pagkakataon para makapagpundar.

May ipinagagawa siyang bahay ngayon sa Antipolo. ‘Yung kapapagawa pa lang niyang bahay du’n din sa lugar na kinamulatan niya, iniregalo niya sa kanyang nanay. Ganu’n kabuting anak si Pokwang.

Sabi pa niya, “Kapag dumadaan ako sa Antipolo church, naaalala ko ‘yung mga panahong nandu’n lang ako, palibot-libot, dahil nagtitinda ako noon ng plastic na supot.

“Galugad ko ang lugar na ‘yun, pinupuntahan ko ang lahat ng sulok ng simbahan para makabenta ako ng mga plastic na lalagyan ng mga suman at kasoy na binibili ng mga nagsisimba,” pagsariwa pa ni Pokwang sa makulay niyang kabataan.

Read Cristy Fermin’s Blind Item: Male TV host at female singer, malutong ang murahan ‘pag nag-aaway!

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

ADVERTISING