Pokwang: ‘Maayos naming tinapos ang lahat, hindi kami pait-paitan’

Leo Bukas

CONFIRMED! Hiwalay na nga ang sina Pokwang at ang boyfriend nitong part time actor na si Lee O’Brian. Last November 2021 pa  naghiwalay ang dalawa kaya bale 7 months na silang hindi nagsasama.

Nagsimula itong mapansin ng netizens nung palitan ni Powang at gawing “Mamang Pokwang ang brand name ng mga ibinebentang pagkain at condiments mula sa dating  “Pok-Lee” na kumbinasyon ng pangalan nila ni Lee.

Pokwang: ‘Maayos naming tinapos ang lahat, hindi kami pait-paitan’
Lee ‘O Brian and Pokwang

Minissage namin si Pokwang para kumustahin siya  at kunin na  rin ang kanyang panig sa isyu at kaagad naman siyang sumagot sa amin.

“Im okey Mare.  We’re okey.  No third party involve and we’re boh coparenting kay Malia,” simulang mensahe sa amin ng actress-TV host.

Patuloy ni Pokwang,  “Maayos naming tinapos ang lahat. Hindi kami pait-paitan.  Ha-ha-ha-ha.”

Wala rin daw problema kahit pa magpunta sa bahay niya ang dating karlasyon at ama ni Malia.

“In  fact,  welcome siya sa bahay. Every weekend ay magkakasama kami. 7 months of surviving and peace ‘ika nga,” lahad pa niya.

May mensahe rin si Pokwang sa kanyang mga bashers na nagsasabing  na-karma siya kaya hindi naging successful ang relasyon niya kay Lee.

Pokwang: ‘Maayos naming tinapos ang lahat, hindi kami pait-paitan’
Pokwang with live-in partner Lee O’Brian and daughter Mary Subang

“Pakisabi  sa mga bashers na nagsasabing karma ito — NO!!! Ha-ha-ha!  Do not wish anything bad sa kapwa, yon ang karma. Babalik sa kanila yan!

“Nililinis lang ni God ang daraanan ko papunta sa tamang tao at sa mas maraming blessings na nakapila na.  Salamat mare love you,” huling mensahe niya sa amin.

Samantala, may ibang tirahan na ngayon si Lee  dito sa Pilipinas and anytime soon ay babalik na rin ito sa Amerika.

 

 

Previous articleVLOG WATCH: 10 Random Facts About Andrea Torres
Next articleNico Locco may ‘personal encounter’ sa pinakamayamang transgender sa mundo na si Anne Jakrajutatip