Pokwang, itinangging titigbakin na ang noontime show!

ADVERTISING

Pokwang, itinangging titigbakin na ang noontime show!

Pokwang, itinangging titigbakin na ang noontime show!OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng yours truly. And as what I’ve said, don’t make your Monday a blue Monday!  Dahil isang pasabog na naman ang isi-share ko at galing talaga sa isang reliable source, hahaha!

ADVERTISING

Kumustahin naman natin si Pokwang na natsi-tsismis na hindi raw kumita ang pelikula niyang A Mother’s Story. Nakakaloka ang komentong ‘yun.

Nang tanungin ko naman si Pokwang kung totoo bang hindi kumita ang movie niya, isa lang ang sagot niya sa akin. Kung sino man ang nagsabi nu’n, ipinagpapasa-Diyos na lang daw niya. Hahaha! Tungkol naman sa pelikula, paano raw na hindi kikita ang pelikula, kung sa ibang bansa nga kitang-kita na ang pelikula, dito pa kaya sa Pilipinas.

Anyway, heto pa ang isang ichinikka sa akin ni Pokwang. Nang tanungin ko nga siya kung totoo bang hanggang January 31 na lang ang Happy Yipee Yehey, ang sagot lang niya sa akin, hindi raw totoo ‘yun dahil maganda naman ang takbo ng programming ng kanilang show, at may balita nga raw na mag-e-extend nang hanggang February.

ADVERTISING

Pero heto pa ang chikka niya sa akin. Hindi na raw siya matutuloy sa London dahil nga may gagawin silang pelikula ni Vilma Santos. Hindi pa niya sure ang title, ang alam lang daw niya ay ang The Healing daw, at sila ang magiging cast du’n. Kaya hindi siya natuloy sa London, kasi mag-i-start na raw ang shooting niya with Vilma.

Pero paano kaya kung gumawa rin ng pelikula si Ate Guy with Eugene Domingo or Ai-Ai delas Alas? Mukhang mas bongga ang sabayan ng pelikula nila, lalo na ‘pag walang intriga. Pero hindi naman mapapansin ‘yan kung hindi nila lalagyan ng intriga, ‘di ba?

Go, go, go Pokwang! Tuluy-tuloy lang ang pasabog mo ngayong taon. At least your still there at marami ka pa ring project! Pak!

 

AT HETO naman ang isang isyu na nakakatuwa kaya mawiwindang ka sa ichi-chikka ko. Nakakaloka naman kasi itong si Vice Ganda na ang balita ngayon sa kanya, marami ang nagagalit na mga lola at mga ina dahil sa mga biro niyang hindi niya muna pinag-iisipan bago ilabas sa bibigyan niya.

Nagsimula kasi ito sa naging eksena niya sa lola niya na sumakabilang-buhay na at biniro niya. Kaya ngayon, ang mga nanonood sa kanya ay nawalan na ng gana, dahil mismong ang sarili niyang lola ay dinadaan niya sa katatawanan.

Naku, Vice… ano ba naman ang ginagawa mo? Dapat naman talaga ay pinag-iisipan mo ‘yan. Baka magulat na lang ang mga fans mo, saan ka na nila hahanapin. Ang sa akin lang naman, sana makarating sa iyo itong sinusulat ko. Kasi, concern ako sa career mo.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING