POKWANG IS PREGGY!

ADVERTISING

POKWANG IS PREGGY!

POKWANG IS PREGGY!HAPPY KAMI SA estado ngayon ng komedyanteng si Pokwang.
 
Yes, preggy si Mamang sa live-in boyfriend niya na si Lee O’ Brian na nakilala niya sa set ng pelikulang ginagawa nila noon.
Si Lee ang leading man ng komedyante sa pelikulang “Edsa Woolworth” in 2014 kung saan sa San Francisco area sila nag-shooting.
 
Ito nga marahil ang sinasabing “tunay na pag-ibig” na natagpuan ni Mamang kay Lee na isang American actor na nakilala niya at naging close sila habang isinasa-pelikula ang TFC project ni Direk John-D Lazatin.
 
I remember yong kilig na nararamdaman ni Mamang Pokie noon sa lunch-tsikahan namin with some press people na naimbitahan niya sa bahay niya sa Antipolo, noon na siya mismo ang nagluto ng spicy alimango, ang pinag-uusapang Ginataang Laing with shrimp at ang masarap na mainit na sopas.
 
 After lunch over coffee ay naging topic namin si Lee na after a few days ay kailangan na din bumalik ng Amerika para  i-promote ito sa Pinoy communities at ilang maliliit na eksenang kailangang tapusin.
 
Plano noon ni Lee na sa Pilipinas magbakasyon noong Kapaskuhan noong taon na yun sa imbitasyon na rin ng komedyante.
 
Sa katunayan, that year ay gusto nga dalhin ni Pokie si Lee sa Palawan para doon sila mag-celebrate ng New Year (na hindi ko na naalala kung natuloy yun).
 
Pangalawang pagbubuntis ito ng komedyante kung saan yong una nila ni Lee ay hindi natuloy dahil nagka-miscarriage si Pokwang.
 
Stress na rin marahil ang dahilan ng pagkalaglag ng bata sa kanyang sinapupunan two years ago (2015) while taping the teleserye na “Nathaniel”. Bukod sa dahilan na may edad na rin si Pokie na ngayon ay nasa edad 46 years old na.
 
As of this writing ay wala pa detalye tungkol sa pagbubuntis ng komedyante.
 
May anak na babe si Pokie na si Mae (na boto din kay Lee) na nagaaral ng culinary course at ang panganay niya na lalaki na pumanaw noong 5 years old ito due to brain cancer.
 
Congrats Mamang Pokie and Lee!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING