Pokwang, inspired sa manliligaw

Pokwang, inspired sa manliligaw

Pokwang-Lee-O-BrianMUKHANG INSPIRED si Pokwang sa bagong lalaki sa buhay niya. Yes, totohanan ito at hindi lang kung anik-anik tulad sa mga inili-link sa kanya noon na tila sa bandang huli ay nabubuko ni Pokie na nagagamit lang siya.

Ang tinutukoy namin ay ang katambal niya na si Lee O’ Brian, isang American actor sa bagong pelikula niyang Edsa Woolworth na ipalalabas na sa bansa sa January 2015.

Naikuwento na ni Pokie ang umuusbong nilang “romance” ni Lee bago pa man siya umalis for her almost three weeks shows sa iba’t ibang bahagi ng US with friends like K Brosas, Pooh at Chokoleit na nagsimula sa Hawaii last October.

Sa pagbabalik niya, tuloy ang kuwento ng “romansa” niya tungkol kay Lee. We’ve heard na gusto ng “suitor” ni Pokie ang niluluto niyang adobo. Nabaliw ang Kano sa “luto” ng komedyante. Sa mga hindi nakaaalam, magaling na cook ang komedyante na bukod sa adobo, love ko personally ang super sarap niyang laing na niluto sa purong gata with matching malalaking hipon.

At kung papalarin,magiging happy ang komedyante ngayong Kapaskuhan lalo pa’t may plano si Lee na rito sa bansa mag-spend ng Pasko at New Year at siyempre ang dahilan ay kasama siya.

Kung wala lang marahil bagong teleserye ang komedyante, ang Nathaniel, na magsisimula ang airing sa early part of 2015, baka humaba-haba pa ang stay niya sa Amerika para lalong makasama at makilala si Lee.

Ewan ko lang kung matatagalan ni Pokie ang long distance love affair kahit sabihin niya na sa show nila sa San Diego, California, dumayo pa si Lee (na taga-San Francisco) para mapanood siya at makasama kahit isang araw lang dahil may work pa ito at kailangan niyang bumalik sa SF kinabukasan. Pero constant ang communication nila sa pamamagitan ng text. In short pareho silang hindi bumibitaw.

Malayo rin ang distance ng Amerika sa Pilipinas. It’s a 14 hours flight at magastos rin kung mabaliw-baliw at mami-miss mo ang lovey dovey mo. Pero paniguro niya, in case na ma-in love siya nang todo at seryosohan na, malayo pa ang usapan of settling down to start her new family with Lee lalo pa’t may dalawang taon pa siyang bubunuin bago matapos ng pag-aaral ang anak niyang si May na nag-aaral ng culinary course sa napakamahal na school sa may The Fort.

Reyted K
By RK VillaCorta