Pokwang humingi ng pang-unawa sa desisyong magtrabaho sa GMA-7! ‘Marami pong umaasa sa akin’

Leo Bukas

MAY KONTING pangamba ang aktres at TV host na si Pokwang sa pagpirma niya ng kontrata sa GMA  Artist Center at pagiging bagong Kapuso star. Sigurado raw kasi na may mga masasabing negatibong komento sa kanya ang netizens dahil sa kanyang ginawa.

Lahad ni Pokwang, “Hindi ko naman sila masisisi. Tayo naman may kanya-kanya tayong paniniwala at pananaw sa buhay. Pero kasi ang pananaw ko po sa buhay ko is yung utang na loob hindi mawawala. Habangbuhay nandoon yon.”

Pokwang humingi ng pang-unawa sa desisyong magtrabaho sa GMA-7! ‘Marami pong umaasa sa akin’
Pokwang

Sinundan pa niya ito ng,  “Kahit saan ako nanggaling, kahit sino ka, kung sino man yung ano, hindi mawawala, at hindi dapat inaalis yun sa puso mo.”

Iginiit din ng komedyana na hindi porke’t lumipat siya ng ibang TV network ay wala na siyang utang na loob sa ABS-CBN kung saan siya nagsimula. Meron daw siyang pamilyang binubuhay at sinusuportahan kaya kailangan niyang magtrabaho at nagkataon na may ganung opportunity sa GMA-7.

“Tandaan po natin na yung pamilya po natin, sila po ‘yung dahilan kung bakit po tayo patuloy na lumalaban sa kabila ng mga nangyayaring ito.

“Naiintindihan ko, nauunawaan ko ‘yan. Pero sana unawain din po ninyo, nanay din po ako. Marami pong umaasa sa akin, marami rin pong umaasa sa akin, marami rin po akong gustong matulungan pa,” paliwanag a niya.

Gaano ba siya ka-excited bilang bagong Kapuso?

Tugon ni Pokwang, “Marami pa akong gustong gawin as an artista, as a host, marami pa akong gustong i-share na experience ko sa pamamagitan ng mga programa para sa mga manonood.

“Gusto kong ituloy-tuloy kung ano pa ang gusto kong gawin bilang artista. Malaki ang pasasalamat ko kasi siyempre nagbukas ng pintuan sa akin ang GMA.”

“Dito sa GMA, nakikita kong back ako sa kung saan ako nalilinya talaga, which is comedy. Masaya lang talaga!” huling pahayag ng komedyana.

Previous articleHerbert Bautista may paalala sa mga artistang papasok sa pulitika: ‘It’s not enough na sandigan natin yung katanyagan!’
Next articleTIME HEALS ALL WOUNDS: Nanay ni Heart Evangelista, boto na kay Chiz Escudero