Pokwang, gustung-gustong tinutukso sa foreign actor

Pokwang, gustung-gustong tinutukso sa foreign actor

PokwangPARANG DUMALAGANG manok naman itong si Pokwang sa tuwing napapanood namin siyang nagpo-promote ng Edsa Woolworth na showing na today.

Halos tikom ang bibig niya ‘pag iniintriga siya sa partner niya sa movie na si Lee O’ Brian. Dahil nga siguro hindi makadiretso ng Ingles ang bakla! Hahahaha!

Idinadaan lang niya sa biro, pero kung kilala namin ang baklang ito, gustung-gusto niya ‘yang tinutukso siya sa foreign actor.

Dahil sa totoo lang,  naikuwento sa amin ni Pokwang noon na kung magkakadyowa siya, gusto niya, foreigner.

Kaso nga lang, “Nako, ‘Day, patatapusin ko muna sa kolehiyo ang anak ko. Basta mai-settle ko lang siya, keri na akong magka-lovelife.”

Ayaw raw niyang masira ang focus niya sa kanyang kaisa-isang anak. “Eh, mare, nawalan na ako ng isang anak, kaya gusto ko, lahat ng atensiyon ko, kay Mae lang. Although ‘yang batang ‘yan, gusto na akong magka-lovelife, ako lang talaga ang ayaw! Hahahaha! Juice ko, bidet na lang ang kumikiliti sa keps ko ngayon, hahahaha!”

Alam na.

Francis-MagundayaoFrancis Magundayao, ipinag-produce ng movie ng ina

BILIB DIN ako dito kay Mommy France,  talagang ipinag-produce niya ng launching movie ang anak niyang si Francis Magundayao na palabas na sa Jan. 21, ang Ewankosau (Saranghaeyo).

“Mainipin kasi ako, Ogie, eh. Eh, uso pa naman ang mga bagets ngayon. Habang hindi pa tumatanda ang anak ko, eh ako na lang ang magbigay.

“Anyway, I’m so proud of this movie. Maganda siya, nakakatuwa, kaya sana, suportahan ng mga fans ni Francis, Barbie Forteza, Alwyn Uytingco, Mart Escudero, Jon Lucas.”

Eh, sino po ang nag-release ng movie?

“Actually, nagandahan naman si Enrico Santos ng Star Cinema, but they can’t accommodate us, pero sa mga susunod daw, pag-usapan namin.

“So what I did, ako na lang ang nakipag-usap sa mga theaters at okay naman. Kahit ‘yung mga mall shows nila, inaayos din namin. So, unti-unti kong natutunan ang business. Mahirap, pero walang mahirap para sa anak.”

Alam naming malaking sugal ito, pero hindi ‘yon ang nasilip namin, kundi ang pagmamahal ng ina sa kanyang anak.

Oh My G!
by Ogie Diaz