Pokwang, dapat nang magpa-buntis sa Kanong dyowa

Pokwang, dapat nang magpa-buntis sa Kanong dyowa

PokwangNAKAKALOKAH! ANG dami nang nagpu-push kay Pokwang na “makipagtsugihan” na sa dyowa niyang Kano at leading man niya sa Edsa Woolworth na si Lee O’Brian.

“Juice ko, mare, ha? Pressure kayong lahat na kaibigan ko. Hindi lang ikaw, lahat kayo, gusto na akong mabuntis at nang magkaroon naman daw si Mae ng kapatid.”

Eh, ba’t ba kasi ayaw pa niya?

“Eh, alam mo naman, marse. Kailangan ko munang patapusin ng pag-aaral itong anak ko, bago ako magka-lovelife.”

Eh, ‘yung anak mo na nga ang nagsasabi na mag-boyfriend ka na at okay lang sa kanya, eh!

“Oo nga, ‘eto na nga… ‘eto na nga. ‘Wag kayong apurado lahat.”

42 years old ka na. Hindi naman kasariwaan ang matris mo, Pokey, para magdalaga pa ang peg.

“Eh, hayaan n’yo. Pagdating niya, tingnan natin. Abangan n’yo.”

Sa April na nga ang dating ni Lee. At ang nakakalokah nito ay araw-araw, magka-facetime sila.

Kaya nga nu’ng kelan lang dinalaw namin si Pokey, dati-rati naman ay nasa gate pa lang ng bahay, nakasilip na siya at sinusundo kami para sabay-sabay kaming kumain.

Juice ko, ang sumalubong sa amin ay ang kanyang kasambahay na ang sabi, “Akyat na lang po kayo sa rooftop, andu’n po siya!”

Eh, imagine, apat na palapag ang hihingal sa amin? Juice ko, kaya naman pala, nu’ng sumapit kami sa rooftop, andu’n ang Pokey at pume-facetime kay Lee.

Nakausap nga namin sa facetime si Lee at naramdaman namin kung gaano niya talaga kamahal si Pokey.

At itong Pokey, nagdadalaga talaga! Hahahaha!

Anyway, super happy kami for Pokey at sana nga, ito na ang lalaking makakasama niya habambuhay.

Pero siyempre, gusto naming mga kaibigan ni Pokey, madyontild na siya para meron siyang Kanu-kanuang anak, ‘no!

Gow, gow, gow, Mamang!

Oh My G!
by Ogie Diaz