POKWANG BALIK SHOWBIZ VIA AN INDIE FILM

ADVERTISING

POKWANG BALIK SHOWBIZ VIA AN INDIE FILM

POKWANG BALIK SHOWBIZ VIA AN INDIE FILM
POKWANG

BONGGA ang pagbabalik ni Pokwang sa showbiz matapos niya manganak kay Malia, ang anak nila ng kanyang partner na si Lee ‘O Brian.

Ibinalita ng actress-comedienne sa amin recently na may TO FARM Film Festival entry siya na gagawin nang magtagpo kami sa labas ng restroom ng TGIF sa Morato kung saan kasama niya ang partner na si Lee ‘O Brian at dalawa pang mga Caucasian friends

Kung hindi nagkaroon ng changes sa kanyang schedules ay nag-first shooting day sila last week Wednesday somewhere in Pampanga.

Sa kanyang pelikula, she plays the role of a teacher na kung tama kami ay “Sol Searching” ang titulo ng pelikula. “Ako si Sol sa movie. Isang titser nagbibigay inspirasyon sa mga estudyante ko, “ kuwento niya.

ADVERTISING

Sa kanyang pagbabalik, madaming mga projects ang naka-stand-by para sa kanyang career.

Sa katunayan, bukod sa filmfest entry niya ay may pagkakataon na baka maibalik ang karakter niya sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ kung saan ang pagkawala ng karakter niya (nag-asawa kasi siya ng foreigner at sumama na sa kanyang mister sa ibang bansa); ay pwedeng-pwede pa ibalik dahil sa aksyon-serye, name-mention pa rin ang pangalan niya sa conversation kapag may mga eksena ng kamustahan.

Yesterday (Sunday, July 1) ay haping-hapi si Mamang Pokie dahil ang anak niya na si Mae Subong ay graduate sa degree in Culinary Arts from Enderun Colleges in Taguig.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING