Pokwang, ayaw gumamit ng bed pan kaya nalagay sa peligro!

ADVERTISING

Pokwang, ayaw gumamit ng bed pan kaya nalagay sa peligro!

Pokwang, ayaw gumamit ng bed pan kaya nalagay sa peligro!
Pokwang showing her baby bump and copies of “Patikim”

KALOKA naman pala ang sitwasyon ni Pokwang sa pagbubuntis niya kay “Baby O’Brian” na magiging anak nila ng boyfie na si Lee O’ Brian.

ADVERTISING
 
Last weekend namin nalaman na itinakbo si Mamang Pokie sa ospital na sa Instagram posting ng bestie niya na si K Brosas naman namin nakita ‘yong picture ng kamay ng komedyante na naka-dextrose.
 
Very delicate pala talaga ang sitwasyon ni Mamang Pokie na sa katigasan ng ulo ay pinilit nitong pumunta ng restroom na siyang ipinagbabawal ng doktor na maggagalaw at gumamit na lang ng bed pan para mas madali sa kanya kung kailangan man niya  jumingle or whatsoever.
 
Ayaw kasi niya mag-bed pan kaya sa katigasan ng ulo ay nag-spotting ito, ayon sa tsika sa amin ng kaibigan niya na si Eric John Salut.
 
Last Monday ay na-discharge na si Mamang from the hospital at ang kabilin-bilinan sa kanya ng doctor ay total rest. 100% rest at less galaw.
 
“Hindi nga siya dapat gumalaw from her bed at konting kibot lang ay mahirap na,” sabi ni Eric sa amin.
 
Dahil sa total no work and rest policy si Mamang, dalawa sa regular shows niya sa Kapamilya Network ay naka-on leave siya.
 
Nang mabalitang preggy siya ay nagpaalam na kagaad siya sa co-star na si Coco Martin at sa aksyon serye nilang “Ang Probinsyano” at sa gag show ni Mamang every Sunday na Banana Sundae.
 
Ang sitwasyon ni Mamang Pokie ay parang sitwasyon din noon ng mga aktres na si Dawn Zulueta (sa kanyang 2nd child) at kay Congresswoman Vilma Santos nung ipinagbubuntis niya ang bunsong si Ryan na parehong hirap sila at need talaga ng “super rest” during their pagbubuntis.
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING