Pokwang, aprubado sa anak ang pagkaroon ng boyfriend

ADVERTISING

Pokwang, aprubado sa anak ang pagkaroon ng boyfriend

PokwangTWO YEARS pa ang ibinigay na taning ni Pokwang sa anak na si Mae Subong bago ito magka-boyfriend.

ADVERTISING

“Pero puwede naman siyang magpaligaw rdito sa bahay, huwag lang sa mall dahil pasasabugin ko ‘yon. Hahaha,” biro ngkomedyana.

Gusto ni Pokwang ang traditional style pa rin ng panlilligaw para sa anak niya na ang lalaki ay umaakyat ng bahay para makilala ng magulang.

“Mas magandang kilala ko rin ‘yung mga manliligaw niya para sigurado. Sabi ko naman sa kanya, okey lang siyang magpaligaw pero ‘wag munang magbo-boyfriend. Two yearsna lang naman ang hihintayin niya, eh. Pagka-graduate niya, mag-boyfriend na siya,” katwiran pa niya.

ADVERTISING

May approval na rin kay Mae na magka-boyfriend ang Mommy Pokwang niya. Naiintindihan daw niya na kailangan din ng nanay niya na magkaroon ng makakasama sa buhay.

Timing naman na tila papunta ro’n ang nasimulang friendship ni Pokwang at ng leading man niyang si Lee Obrian sa TFC produced movie na Edsa Woolworth na ipalalabas sa Nov. 14 sa Canada at Amerika.

“Wala pa namang panliligaw na nagaganap. Pero gusto niyang pumunta ng Pilipinas. Sabi ko kasi ang gaganda ng mga beach natin dito… Kung matutuloy ‘yung pagpapalabas ng Edsa Woolworth dito sa atin sa January, baka umuwi si Lee dito sa December.”

Idinagdag din ni Pokwang na posibleng isama niya ang Kanong leading man sa Palawan kapag nagbakasyon sila roon ng anak sa darating na Pasko.

Wow naman, lapitin talaga si Pokwang ng mga foreigner, huh!

Samantala, babalik ulit ng Amerika si Pokwang ngayong Oct. 16 para sa 4 Da Laffs show kasama sina K Brosas, Chokoleit at Pooh. Bago siya umalis, nag-taping muna siya para sa Nathaniel, bagong soap opera ng ABS-CBN.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING