PNoy, tumangging mag-ninong kina Heart Evangelista at Chiz Escudero

ADVERTISING

PNoy, tumangging mag-ninong kina Heart Evangelista at Chiz Escudero

Noynoy-AquinoTAKOT NA maging matandang binata, ayaw nang mag-ninong sa kasal si President Noynoy Aquino. Takot siya na baka hindi na siya makapag-asawa (maghanap kaya muna siya ng tutoong girlfriend niya ‘no!) Kaya mas minabuti nito na maging Best Man na lang sa kasal nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista come February 15, 2015.

May paniwala kasi si PNoy na kung siya na binata ay palagi kinukuha na ninong sa kasalan, siya ang mapag-iiwanan. Siya ang hindi makapag-aasawa (may balak ba siya?).

Naging buddy-buddy sina Sen. Chiz at PNoy noong pareho silang mga representative ng kanilang distrito. Si Sen. Chiz sa Sorsogon while si Sen. Aquino naman ay sa balwarte niya sa Tarlac.

Sabi nga ni Sen. Chiz, isa sa mga close friend niya si PNoy. For the past 15 years, naging close sila at maituturing na isa sa mga matalik niyang kaibigan.

ADVERTISING

Sa katunayan, naging ninong pa nga sa binyag si PNoy sa kambal ni Sen. Chiz na sina Maria Cecilia at Joaquin Cruz sa dating asawa na si Christine Elizabeth Flores.

Actually, may intriga at alingasngas nga ang kasalan nina Sen. Chiz at Heart na originally ay gagawin sa February 14, base sa unang pahayag ng senador lalo pa’t double celebration ito, dahil birthday din ng kanyang future wife.

Biglang nagbago ang date dahil nagkaroon ng “agawan” ng wedding date na ayon sa kuwento ng sports reporter na si Cheska Litton (dating na-link na rin kay Jericho Rosales), buwan ng May pa lang ay plantsado na ang kasal nila sa Balesin Island Resort sa Quezon bago pa man pumasok sa eksena sina Sen. Chiz at Heart na gusto ay February 14 din ang kasal nila. Sa katunayan, na-finalize na niya ito kasama ang kanyang wedding coordinator at stylist para sa final ocular check, kung saan bumiyahe pa sila at gumastos just to reach the venue. Balita nga naming nag-down payment na sina Cheska.

Dahil dismayado sa nangyaring kaguluhan, sa kanyang FB account, sinulat ni Cheska recently na: “It is unfortunate that hard work, time, and effort, mean nothing when all it takes are the right connections for other people. I’ve long learned that histrionics and tantrums get you nowhere. On my own, my strength falters. With Him? I can do anything.”

Pati sa kasalan, may palakasan at red tape din pala.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING