PLANTITAS, BE WARNED! Jolina Magdangal, nabiktima ng plant scammer

BIKTIMA ng plant scammer ang ‘Magandang Buhay’ host at paboritong mumshie ng bayan na si Jolina Magdangal.

Kamakailan ay nagpost si Jolina sa kanyang pasasalamat sa isang plant supplier na nagdeliver sa kanya ng cactus na “Golden Barrel”. Naiscam kasi siya ng isang seller sa FB Marketplace named ‘Samantha’ kaya binalaan din niya ang publiko.

PLANTITAS, BE WARNED! Jolina Magdangal, nabiktima ng plant scammer
Jolina Magdangal

“Last Sunday, na-scam ako ng isang seller ng mga cactus sa FB Marketplace. Sa kagustuhan ko makabili ng golden barrel, may isang seller na nagbebenta ng sobrang mura. Bumili tuloy ako sa kanya ng 3 GB at 7 pang kakaibang cactus,” Jolina shared.

“Ang ayos kausap, English-speaking pa. Mode of payment ay GCash. Hapon ang huling text niya ay pa-deliver na ang mga order ko. At ‘yun na ang huling text niya, nagme-message ako noong gabi hanggang Monday after lunch. Wala na.”

“Pinapatay na ang tawag sa GCash number na binigay niya. Minessage pa siya ni Mark (Escueta, her husband) sa FB Marketplace para kunyari mag-order at sumasagot! Pero sa akin ay wala na. At noong sinabihan ni Mark na asan na mga order ng asawa ko… hindi na sinagot si Mark, at ‘di na namin siya ma-search.”

Inamin ni Jolina na ito ang kauna-unahang pagkakataon na siya ay na-scam.

“‘Yun ang GCash name niya, hindi ko alam kung ‘yun talaga name niya),”

May mensahe naman si Jolina sa scammer: “Maawa ka naman sa mga taong ninanakawan mo ng pinaghihirapang pera. Alam kong mahirap ang buhay ngayon pero hindi ‘yan ang paraan para kumita ka. Maaaring after nito ay magpalit ka na ng account, pero malamang itutuloy mo pa rin ‘yang panloloko mo. Ang Diyos ay nakikita ang lahat- lahat. At pinagdasal na kita sa kanya.”

“Ingat tayong lahat.”

Isang certified plantita si Jolina na kitang-kita sa kanyang Instagram account. Nakatakda rin itong lumabas sa isang pelikula kasama ang kanyang ‘Magandang Buhay’ fellow mumshies na sina Karla Estrada at Melai Cantiveros.