Piolo Pascual, umabot sa 20 ang kissing scenes kay Dawn Zulueta; super sexy at very hot ang love scene kay Coleen Garcia

Piolo Pascual, umabot sa 20 ang kissing scenes kay Dawn Zulueta;  super sexy at very hot ang love scene kay Coleen Garcia

Piolo Pascual
Piolo Pascual

Bongga raw ang mga love scenes ni Piolo Pascual sa dalawang mga babae na kasama niya sa pelikulang “Love Me Tomorrow” na sina Dawn Zulueta at Coleen Garcia.

Hot, ‘ika nga ang mga love scenes ni Papa P sa pelikula who plays the role of JC na isang playboy disc jockey.

Pabirong kuwento ng aktor sa amin, “Mga 20 kissing scenes ang sa amin ni Dawn.”

Pero ingat na ingat si Papa P sa love scenes nila ni Dawn.

“Ang concern ko is her children. Kaya I need to protect her,” kuwento niya sa amin.

Pero tila kakaiba ang love scenes ng aktor with Coleen na maituturing na isa sa mga sexy female stars natin sa kasalukuyan.

Super sexy. Very hot, pero walang dapat ika-insecure si Billy Crawford sa aktor, dahil very gentleman ang aktor sa kanyang girlfriend.

“Me and Billy are friends. Alam ko namang protektahan ang kahit sinong babae na nakaeeksena ko,” sabi ni Piolo Pacual.

Sa May 25 na ang showing ng pelikula mula sa Star Cinema na nasa direksyon ng pinakabatang direktor sa kasalukuyan na si Direk Gino Santos.

Reyted K
By RK VillaCorta