Piolo Pascual, takot malaos?!

ADVERTISING

Piolo Pascual, takot malaos?!

Piolo Pascual, takot malaos?!INTERESTING SUBJECT sa isang interview si Piolo  Pascual.

‘Yun nga lang, walang pagkakataon na makausap mo siya nang masinsinan lalo pa’t kadalasan, hirap makapagpaunlak ang aktor ng isang exclusive interview kung hindi lang naman may promo siya ng isang pelikula or magandang project.

Personally, gusto ko siyang makausap. Gusto ko siyang maging subject ng isang magandang interview na hindi lang umiikot sa project niya, sa kanyang “lovelife” at kung au-ano na kadalasan na nating nababasa sa Piolo Pascual, takot malaos?!kanya.

‘Pag nagkataon, itatanong ko sa kanya ang mga insecurities niya sa buhay kahit sabihing sikat siya at isang magaling na aktor. Gusto ko ring itanong, Papa Piolo na I’m sure, aabangan ng marami, kung kumusta ang “sex life” niya. The fact na sa pagkakaalam ko, isa siyang Christian na ang alam ko naman, bawal ang pre-marital sex sa mga tulad nila gayong wala namang nali-link sa kanya. Ang alam ko, wala siyang girlfriend at hindi naman ganu’n ka-daring si Papa P. para maging topic ito ng isang panayam.

ADVERTISING

Gusto ko ring itanong sa kanya kung natatakot ba siyang malaos at magiging one of those stars na lang ng Star Magic at Kapamilya Network na ngayon ay maraming mga baguhan na mas guwapo sa kanya?

Tulad ni Gerald Anderson na kasama niya sa pelikulag OTJ ni Direk ni Erik Matti; ang peg ng career ay tulad ng sa kanya na bukod sa guwapo na ay marunong pang umarte.

Maging si Lea Salonga, matapos mapanood ang trailer ng pelikula, exited na mapanood ang pelikula.

Knowing Lea, hindi naman siguro ito magpapagamit just for the sake na mag-post siya sa Tweet niya about the film na basta-basta na lang na sa statement niya, isang endorsement na ito para sa isang pelikula.

Gusto ko ring marinig si Lea na ini-interview si Piolo.

Manginginig kaya ang aktor? Sasagutin kaya niya ang mga itatanong ng international singer-performer sa kanya?

So far, hindi lang si Lea ang may positibong statement tungkol sa pelikula based sa trailer pa lang. Maging si Bianca Gonzales, iba rin ang dating ng pelikula sa kanya.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING