Piolo Pascual & Shaina Magdayao: Could It Be Magic?

ADVERTISING

Piolo Pascual & Shaina Magdayao: Could It Be Magic?PIOLO PASCUALPiolo Pascual & Shaina Magdayao: Could It Be Magic?
Real Name: Piolo Jose Pascual
Birthdate: January 12, 1977
Zodiac Sign: Capricorn

SHAINA MAGDAYAO
Real Name: Shaina Garcia Magdayao
Birthdate: November 6, 1988
Zodiac Sign: Scorpio

ADVERTISING

MAGKASAMA NGAYON sa award-winning film na OTJ ang Kapamilya stars na sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao. Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkasama ang dalawa sa isang proyekto, pero first time nilang magkaroon ng naglalagablab na romansahan sa big screen. To watch for, ‘ika nga.
Sa isang interview sa favorite leading man kamakailan lang ay walang atubiling sinabi ni Piolo na ‘Ideal Girlfriend’ ang tingin niya kay Shaina. Wow, haba ng hair ng younger sisteret ni Vina M., huh! Knowing na mataas ang standards ni Papa P sa mga bebot, for sure ay super flattered ang ating bidang girlaloo.
Walang natsi-tsikang karelasyon ngayon si Papa P, at matagal na ring nananahimik pagdating sa kanyang lovelife si Shaina. Hmmm… May pag-asa kaya?
Tulad ng Capricorn, takot pumasok sa relasyon ang Scorpio. Pareho silang sensitive at emotional, pero hindi nila ito naipakikita openly sa madla. Kung gusto nila ng seryosohang pagsasama, they need to take it slowly. Hindi nila agad-agad nailalabas ang tunay na nararamdaman, kaya kailangan muna nilang magkapaan. Hindi naman talaga dapat minamadali ang mga bagay-bagay lalo na kung pag-ibig na tunay ang pinag-uusapan, ‘di ba?
Kapag na-overcome na ng Capricorn at Taurus ang ‘kapaan’ stage, malaki ang tsansa na magsa-succeed ang pagsasamang ito. Natural trait ng Capricorn ang pagiging ‘detached’ kaya medyo magdadamdam ang Scorpio, na masyado namang ‘clingy’. Masyadong passionate pagdating sa relasyon ang Scorpio kaya kailangang um-effort ng Capricorn at makipagsabayan sa kapares. Maaari nilang ma-overcome ang very minimal challenges na ito kung daanin sa mabuting usapan.
Ang love match ng Capricorn at Scorpio ay maaaring magbunga into an ideal relationship. Ang pagiging intense ng babaeng Scorpio ang p’wedeng maglabas ng pagkatagu-tagong saloobin ng Capricorn. Matutulungan ng babae ang lalaki na maging mas confident ito. Loyalty naman ang siguradong iaalay ng lalaki sa babae at uber support ba ang ibibigay nito sa minamahal. Nage-gets nila ang personal aspirations ng isa’t isa kaya yes, may magic ang tambalang ito!
Hmmmm… p’wedeng-p’wede! Mukhang posibleng may ‘magic’ na maganap kina Piolo at Shaina. Why look for someone else if you can be with each other, aber?!

Pares-Pares

By Madam Damin

ADVERTISING
ADVERTISING