Piolo Pascual, sexy scenes at hunky body ang pambenta sa bagong pelikula

Piolo Pascual, sexy scenes at hunky body ang pambenta sa bagong pelikula

Piolo Pascual
Piolo Pascual

No doubt na isa sa mga male celebrities natin si Piolo Pascual ang may seksi na pangangatawan. Hunk na hunk, ‘ika nga. Kaya nga kapag naka-shirtless siya, kita mo agad ang kanyang kaseksihan.

Sa bagong pelikula ng aktor na “Love Me Tomorrow” with Dawn Zulueta at Coleen Garcia from Star Cinema, aminin man ng produksyon o hindi, pang-come-on sa pelikula ang mga sexy scene ni Piolo Pascual at ang pagiging hunky nito.

Sa trailer na napanood namin sa sinehan nang manood kami ng “Just The 3 of Us” nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado, napakaseksi ng aktor.

Piolo plays a disc jockey na nagkaroon ng relasyon kay Dawn Zulueta (one night stand yata na nauwi sa tunay na pagmamahal).

Funny ang mga eksena ni Papa P. sa pelikula. Merong ekena na mula sa CR, nakita ni Dawn na nakaupo sa trono si Piolo na nang tumayo ay tumambad ang “kuwan” ni Papa P. sa eksena at  biglamh nagtakip ng kanyang mga mata ang aktres.

Parang sexy romcom ang bagong pelikula ni Direk Gino Santos na kilala sa mga gawa niyang sexy, naughty, and sometimes erotic films.

Sa mga faney ni Papa Piolo at sa mga nagpapantasya sa kaseksihan nito, kabilang ang aktor sa mga tinatawag na “Pandesal Boys” na ang ibig sabihin ng pandesal ay ang abs sa kanilang mga torso, kung saan kabilang din sa “Pandesal Boys” ang isa pa rin hunk na si Sam Milby.

Ang bagong sexy romcom ng aktor ay mapanonood na simula May 25.

Reyted K
By RK VillaCorta