Piolo Pascual-Sarah Geronimo movie, kumita sa P15-M sa opening day

ADVERTISING

Piolo Pascual-Sarah Geronimo movie, kumita sa P15-M sa opening day

Sarah-Geronimo-Piolo-PascualPAGKATAPOS HUMATAW sa takilya ng pelikulang Just The Way You Are nina Enrique Gil at Liza Soberano, heto’t milyun-milyon diin ang kinita sa opening day ng The Breakup Playlist na pinagbibidahan naman nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo. Kumita ang pelikula ng P15-M sa pagbubukas nito sa mga sinehan nu’ng Miyerkules, July 1.

ADVERTISING

Kaagad namang nagpasalamat sa moviegoers sina Sarah at Piolo nang mag-guest sila nu’ng Wednesday night sa Aquino & Abunda Tonight. Kung hindi kami nagkakamali, P12-M lang ang kinita sa first day ng Starting Over Again nina Piolo at Toni Gonzaga, kaya lamang ng halos P3-M ang The Breakup Playlist.

Hindi nga malayong ma-duplicate o baka malampasan pa ng Piolo-Sarah movie ang Piolo-Toni noon. Kapag nagkataon, malamang na si Piolo ulit ang maging Box-Office King next year at si Sarah naman ang Box-Office Queen. Bongga naman!

Halatang ganadung-ganado ulit sa kanyang showbiz career si Piolo, dahil sa magagandang nangyayari. Kung dati, may plano na siyang mag-lie low sa showbiz dahil sabi niya, very uncertain ito. Ngayon ay bumalik ang sigla at enthusiasm ng actor to do more projecs.

ADVERTISING

In fact, may gagawin ulit siyang teleserye sa ABS-CBN. Hindi lang naming alam kung sino ang makatatambal niya, huh!

Congratulations Piolo, Sarah, at sa team ng Star Cinema.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING