Piolo Pascual sa isyu ng one night stand: “Ayokong magpaka-santo”

Piolo Pascual
Piolo Pascual

Nagsimula lang sa one night stand ang relasyon nina Coleen Garcia at Piolo Pascual sa pelikulang “Love Me Tomorrow” ng Star Cinema kaya tinanong namin si Piolo Pacual kung napagdaanan din ba niya ang ganu’ng sitwasyon.

“Ayokong magpaka-santo, pero ayoko na lang sagutin ‘yan,” natatawa niyang reaksyon.

Pero sa tingin ba niya, normal na lang ngayon ang pakikipag-one night stand?

“I don’t wanna say it’s normal but you know if you love yourself… I mean, it’s not even about religion, its about preserving yourself for someone who deserves it.

“So parang hindi naman kailangan, eh. If it’s the norm, you don’t have to follow the norm. Nasa sa ‘yo naman ‘yon, eh, kung hanggang saan mo irerespeto ang sarili mo o kung hanggang saan ang kaya mong ibigay. So, kanya-kanya ‘yan,” katwiran ng aktor.

Kasama rin sa “Love Me Tomorrow” na palabas na sa May 25 si Dawn Zulueta. Ito ay sa direksyon ni Gino Santos.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articlePiolo Pascual, nagbigay ng reaksyon sakaling ma-involve si Iñigo Pascual sa one night stand
Next articleMahal na police report!

No posts to display