Piolo Pascual proves his love for KC Concepcion

ADVERTISING

Piolo Pascual proves his love for KC Concepcion

Piolo Pascual proves his love for KC Concepcion

ADVERTISING

NGAYONG UMAPIR NA si Piolo Pascual sa premiere night ng movie ni KC Concepcion na Forever and a Day ay matitigil na siguro ang tsismis na naghiwalay na sila.

Ewan ko ba pero parang hindi talaga tatantanan ng intriga ang young couple na ito. Parang isang malaking kasalanan ang ginawa nilang pagmamahalan sa isa’t isa.

Marunong si Piolo dahil hindi siya nagnakaw ng eksena sa premiere night. Hindi siya nagdaan sa red carpet para hindi na rin siya maka-attract ng atensyon. Alam niyang gabi iyon nina KC at Sam Milby kaya naman hindi na siya umeksena pa.

ADVERTISING

Talagang pinilit ni Piolo na humabol sa premiere night para makasama ang kanyang girlfriend. That’s A for effort!

 

KUNG TOTOO ANG away nina Ma-rian Rivera at Heart Evangelista, malamang na hindi na matuloy ang gagawin sanang proyekto ng huli with Dingdong Dantes.

Natsitsismis na nagkainitan sina Marian at Heart pero puro tsismis lang ang sinasabing away ng dalawa. Actually, may ilang version sa tarayan daw na naganap sa dalawang aktres.

Ang isang version, hindi raw naibigan ng madir ni Heart na lumapit si Marian kay Heart para magpaalam nang lumapag ang sinakyan nilang eroplano sa Manila matapos silang mag-shooting ng movie nila sa Ilocos Sur. Diumano, out of the blue ay naglitanya raw ng ganito ang madir ni Heart kay Marian, “Get out of my daughter!”

The other version naman ay nagsasabing nagsimula raw ang away ng dalawang aktres nang sabihin ni Daniel Matsunaga na he wants to work with Marian. To probably get even, itsinika naman ni Heart na she will be working with Dingdong Dantes.

Naku, hindi kaya pang-promo lang ang sinasabing away ng dalawa?

 

BLIND ITEM: GRABE ang attitude ng aktres na ito noong kanyang kasikatan. Parang wala lang sa kanya kung siya ay makapagmaldita. Gumawa ng commercial ang hitad para sa inuming nakalalasing noon. Isang milyon ang kanyang talent fee, net of taxes. Ang usapan, 50 % ng kanyang ta-lent fee ay makukuha niya before shooting the commercial and the remaining balance after the commercial shoot.

Okay naman ang first day shooting ng aktres. Magiliw siya sa lahat ng naroroon. Sa madaling salita, natapos ang shooting ng commercial niya ng walang aberya.

Two day shoot ang commercial. Noong second day, doon na nagmaldita ang hitad. Ayaw mag-shooting. She was demanding the production na ibigay na sa kanya ang remaining balance or else hindi siya aalis ng bahay para mag-shoot. And mind you, she wants it in cold cash! Kahit na ang manager niya ay walang magawa. Pinanindigan talaga ng aktres ang kanyang demand.

Siyempre, dahil nakatengga, gumawa ng paraan ang mga taga-production. Tinawagan ang agent na kumuha sa aktres. Nataranta ang agent. Kapag hindi kasi sumipot ang aktres ay malaki ang mawawala sa kanyang komisyon. By hook or by crook ay kailangang gumawa siya ng paraan para umapir ang aktres sa shooting.

Imagine, talagang pina-encash ng pobreng agent ang kalahating milyon at dinala niya ito sa bahay ng aktres. And to top it all, sumakay lang siya ng taxi kaya kabang-kaba siya na baka siya maholdap. Only then did the actress get out of her house para mag-shoot.

Sino ang aktres? Well, magarbo na ang kanyang pamumuhay ngayon at ang isang milyong talent fee ay barya lang sa kanya.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING