Piolo Pascual, promo lang ang kagustuhang mag-pari?!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng nag-iisang chismosa na reyna ng chikka.

Kumustahin naman natin ang kagustuhan nitong si Papa Piolo Pascual. Marami kasi ang chikka na talaga namang gustong mag-pari ni Papa Piolo.

Lahat naman ng tao kung hindi na rin siguro handang umibig ay parang gugustuhin na lang mag-pari or mag-madre, dahil mukhang mas gugutuhin na lang nilang i-share ang buhay nila sa Diyos. Marami nga ang mga negatibong komento.

Ano naman kung gusto ni Papa Piolo? Hindi tayo puwedeng maghusga pagdating sa mga ganyang bagay dahil, wala rin naman siyang bad image at tahimik lang palagi, kahit anong intriga.

Kung tatanungin n’yo nga rin ako, noon pina-ngarap ko rin ‘yan. Kaya lang, ang nasa itaas lang ang magbibigay ng landas natin, ‘di ba?

Wala namang masamang mangarap. Actually, lahat naman siguro tayo, gusto nating maging mabuti. Pero for sure, chikka lang ‘yan dahil nagpo-promote lang sila, kaya gumagawa na naman ng pag-uusapan. Kaloka, ‘te! Pak!

ANOTHER CHIKKA naman talaga itong si BB Gandanghari, matagal nang gustong magpa-sex change. Bakit?

Kung ako sa kanya ay wit na dapat! Kasi mukha na nga siyang babae at mukhang binabago na nga niya ang sarili niya or should I say binaboy na niya. Mukhang bet ba niyang babuyin nang bongga? Dapat tanggapin na lang natin kung anech tayo, haha!

Pero heto talaga ang isyu d’yan, mas mahin-hin pa nga raw itong si BB Gandanghari sa hipag niyang si Mariel Rodriguez. At for sure, ‘pag magkasama itong dalawa ay patalbugan sila, hahaha!

Naku, ano naman kaya ang masasabi nitong ni Robin Padilla sa kanya? Baka naman sa sobrang bwiset nito ay bigla na lang siguro siyang masapak! Kaloka talaga ang eksenang chikahan.

Ano kayang mase-sey ng mga kaparazzi natin sa mga eksenang ganyan? Maloloka ka talaga sa earth, ‘di ba?!

BLIND ITEM: Sino naman kaya itong sikat na singer na talagang mukhang nagpapakalalaki, kaya wala tayong nababalitaan na dyowa niya or BF?

Nakakaloka naman kasi, lalo na ngayon sa bago niyang image, nagmukha na siyang lalaki. Mukhang bibigay na siya sa mga eksena niyang ginagawa. Paunti-unti na siyang nagladlad sa mga chikka.

Kaloka naman talaga ang mga chikkang itey! Pak!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous article‘Di sa ‘Pinas pinag-uusapan Bagong looks ni Charice, pinagpipiyestahan din sa US at Canada
Next articleSarah Geronimo at Gerald Anderson, masayang magkasama!

No posts to display