Piolo Pascual, pinatulan ang bashers sa Instagram

Piolo Pascual, pinatulan ang bashers sa Instagram

Piolo-PascualEWAN KO kay Piolo Pascual kung bakit ang mga walang kuwentang mga followers niya sa kayang Instagram account ay pinagpapatulan niya. Alam naman niya at ng maraming artista na ang mga basher na ito ay walang mukha na ihaharap kung sino sila. Ang lakas ng loob na magbigay ng kani-kanilang mga opinion, gayong hindi mo alam kung sino sila at ano sila. Kung pagtitiyagaan mo nga alamin ang mga mga name tags nila, ni isang friend or follower ay wala sila.

In short, gumawa lang sila ng pangalan kuno, just to be able to have an IG account para gamitin sa kanilang walang wawang opinion.

Hindi lang si Piolo ang unang biktima ng bashing. Maging sina Sharon Cuneta, KC Cocnepcion, Joshua Garcia at Jane Oneiza, etc., biktima ng panlalait ng mga taong walang magawa.

Pero ang mga gung-gung na ito, malakas lang ang mga loob magsulat ng kung anu-ano dahil hindi sila kilala. Wala silang tunay na identity. In short, mga putok sa buho or shal I say mga multo na nakalutang sa kawalan.

Hindi fair para kay Papa P. na banatan siya ng isang walang balls (or shall I say walang kipay dahil girl ang fan) na basher na hindi dapat pagtuunan ng pansin.

Reyted K
By RK VillaCorta