Piolo Pascual, pantasya pa rin ni Iza Calzado

ADVERTISING

Piolo Pascual, pantasya pa rin ni Iza Calzado

Iza- CalzadoNAGKAROON NG katuparan ang matagal nang pangarap ni Iza Calzado na maging leading lady ni Piolo Pascual sa Hawak Kamay with Nikki Gil.

Alhough dalawang beses nang nagkasama sina Iza at Piolo sa pelikula ng Star Cinema na Milan at Starting Over Again, pero hindi raw siya ang leading lady ng actor.

Si Toni Gonzaga kasi ang leading lady ni Piolo sa Starting Over Again at si Claudine Barretto naman ang love interest ng actor sa Milan.

Sa Hawak Kamay, masasabi na raw ni Iza na natupad na ang isa sa kanyang mga pangarap. Hindi naman kasi itinanggi ni Iza na pantasya niya si Piolo noon pa at ngayon nga lang natupad na makasama niya ang actor na siya talaga ang masasabing leading lady.

ADVERTISING

Samantalang sa ngayon, wala pang masasabi na may hawak kamay na si Piolo. Sa naging pahayag ng actor kay Anthony Taberna, gusto raw nitong may edad 20 years old ang magiging kasama at magiging hawak kamay niya balang araw.

Kaya tsugi na kaagad sina Iza at Nikki na walang keber ding umamin na payag siyang paligaw kay Piolo na kaagad ding binawi nang mahimasmasan.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING