Piolo Pascual, okay lang sa kissing scene nila ni Sarah Geronimo sa movie

Piolo Pascual, okay lang sa kissing scene nila ni Sarah Geronimo sa movie

Piolo-PascualTULOY NA pala ang movie nina Sarah Geronimo and Piolo Pascual.

As usual, when he was interviewed ay ang kissing scene kaagad ang tinanong kay Piolo who answered, “Si Sarah na lang tanungin mo. Ako, okay lang. Okay lang naman sa magulang ko, okay lang sa anak ko.”

Parang inaasar yata ni Piolo si Sarah o ang nanay niya na kilalang napakahigpit at until now ay pinagbabawalan pang magkaroon ng kissing scene ang anak niya sa mga pelikula niya.

When somebody asked kung magpapaalam pa si Piolo kay Matteo Guidicelli if ever na meron nga silang kissing scene ay “Labas na ako du’n. Matteo and I are friends. I guess we’re at an age na hindi naman kailangang magpaalam for anything,” ang naging sagot ni Piolo.

Oo nga naman. Bakit pa kailangan niyang magpaalam kay Matteo, eh, hindi naman niya ito kaanu-ano.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas