Piolo Pascual, naudlot ang pagre-retire

ADVERTISING

Piolo Pascual, naudlot ang pagre-retire

Piolo-Pascual Piolo-PascualUNEXPECTED ANG pagiging blockbuster ng pelikulang Starting Over Again nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga ng Star Cinema. Pumalo ito nang husto sa takilya at kumita ng mahigit P300 million nationwide for 3 weeks. Overwhelming ang buong cast sa naging resulta ng kanilang pelikula lalo na ang award-winning director na si Olivia Lamasan.

Sa victory party ng nasabing romantic-drama, hindi napigilan ni Piolo ang mapaiyak sa sobrang tuwa nito sa naging success ng pelikula nila ni Toni at Iza Calzado.

“Hindi namin inaasahang kikita ito nang ganito kalaki. Nagpaplano na nga akong mag-retire after this film. Pero sa pangyayaring ito, hindi pa muna,” seryoso sabi ng actor.

Sa ipinakitang suporta ng mga fans nina Papa P at Toni, patuloy pa ring gagawa ng makabuluhang pelikula ang magaling na actor. Hanggang gusto pa raw siya ng publiko, hindi niya iiwanan ang showbiz. Magiging maingat ngayon ang actor sa pagtanggap ng movie project at teleserye. Kung kakayanin ng schedule niya, one or two picture a year at isang teleserye ang gagawin nito. Depende raw ‘yun sa material kung challenging ‘yung role. ‘Yung character na hindi pa napo-portray ng magaling na actor.

ADVERTISING

Ang balita namin, may follow-up movie agad si Piolo sa Star Cinema. Naghahanap na ngayon sila nang magandang material na babagay kay Piolo at magiging leading lady nito. Depende raw ‘yun sa story, kung sinong mapipili nila na babagay na makapareha ng actor. Super excited nga raw si Papa P., parang nanumbalik uli ang sigla niya nito sa pagtratrabaho.

Hindi man aminin ni Piolo, nararamdaman niyang unti-unti nang nawawala ‘yung dating kasikatan nito na tinatamasa niya noon. Malaki ang naging epekto sa career ng binata at personal life ang mga negative issue na ibinabato sa kanya. Ngayon, pinatunayan ng mga fans ni Papa P., mahal pa rin siya ng mga ito. Palibhasa magaling na actor at seryoso sa trabaho kaya’t hindi nawawalan ng project.

Ang maganda kay Piolo, kahit noon at magpahanggang ngayon, he stayed humble despite the many achievements that he has accomplished since Milan. All praised nga sa kanya si Direk Olive, “Piolo’s professionalism and dedication as an actor never changed. He is a very generous actor who is always hungry to learn new things about his craft.”

Inamin ni Direk Olive na fan siya ni Toni. “She is such a joy to work with. I have always been fan of hers since I saw her in Joyce Bernal’s “D’ Anothers”. She is a great actress as she can do big dramatic scenes and make people laugh hysterically at the same time. Her timing is perfect, Toni always commits to every scene and she becomes the character she portrays.”

Nagsalita rin si Toni tungkol sa movie nila ni Piolo, “Kakaiba ang istorya ng pelikula namin ni Piolo kaya tinangkilik ito ng manonood. Pangalawa lang kaming mga artistang nagsiganap sa success ng movie. Of course, malaking ang naitulong ni Inang Olive para magampanan namin nang tama ang character na pino-portray ng bawat isa.”

Pawang papuri naman ang sinabi ni Papa P. sa multi-media star, “Toni is a beautiful person inside out. She’s very sensitive and she has learned a lot of wonderful things through the years. It’s an awesome experience to work with her because her passion is unbelievable. She loves her craft very much and she loves what she’s doing.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING