Piolo Pascual, natupad ang pangarap na maging rockstar

ADVERTISING

Piolo Pascual, natupad ang pangarap na maging rockstar

Piolo-PascualNATUPAD ANG pangarap ni Piolo Pascual na maging rockstar sa pelikula nila ni Sarah Geronimo na The Breakup Playlist na first team-up nila.

ADVERTISING

Naging peg ni Papa P ang favorite band niyang Coldplay. Si Sarah naman, naging peg naman daw sina Kitchie Nadal at Yeng Constantino.

Kahit first team-up lang ng dalawa ang The Breakup Playlist, aminado naman ang director nitong si Dan Villegas na may kakaibang chemistry ang dalawa. “It’s something na you cannot fake it, eh. Pero sa simula pa lang ng syuting, lumabas na kaagad ‘yon,” sey pa ni Direk Dan.

Hindi naman naging malinaw during the presscon kung natuloy ang kissing scene nina Piolo at Sarah sa pelikula. Ang sabi lang ng actor, 100 percent daw ang ibinigay rito ng kapareha, kaya we presume na natuloy ang eksena.

ADVERTISING

Anyway, showing na ang pelikula sa July 1. Star Cinema co-produces the movie with Viva Films.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING