Piolo Pascual, napasubo sa daring scene sa indie movie

ADVERTISING

Piolo Pascual, napasubo sa daring scene sa indie movie

Piolo-PascualWALA NA sigurong atrasan kaya sige na lang at napasubo na si Piolo Pascual sa kanyang kompromiso na gagawin niya ang pelikulang “Silong”(palabas simula today), kung saan for the first time ay magpapakita siya ng kanyang puwet.

ADVERTISING

Yes, si Papa P na ilusyon ng mga kababaihan at mga beki at kinaiingitan ng mga kalalakihan, for the first time, nagpaka-daring sa kanyang indie film, kung saan hindi niya matanggihan ang offer sa kanya ng matagal nang kaibigang si Jefrrey Hidalgo.

Naloka lang si Papa P. dahil sa shower scene nila ng kapareha na si Rhian Ramos, dahan-dahan, sa bawat pagbaba ng kamera sa naturang eksena, pababa naman nang pababa ang konting saplot na nakatakip sa kanyang butt na tuloy, hindi na siya makaatras.

Hindi ST (sex trip) ang pelikula niya. Acting piece actually ito at isang magandang project kaya pumayag siyang gawin. “As an artist, you want to do things that you like and not just for the purpose that you need to do the film dahil artist ka,” sabi niya.

ADVERTISING

Sa estado ng kanyang showbiz career ngayon na halos lahat ng mga artista ay pangarap na maabot ang narating ng isang Piolo Pascual, may mga pangarap pa rin ang aktor. “At this stage of my career, I am inclined to do more unusual stories with out-of-the-box characters that seldom come in my mainstream projects. I enjoy my work as actor, because I am given a chance to portray other people’s lives,” kuwento niya sa media.

Pagmamalaki ni Papa P. na dapat abangan ng mga manonood sa Silong ang love scene nila ng kapareha. “I have this passionate love scene with Rhian (Ramos) that is bound to shock audiences. It cannot be the other way around as we are playing characters with twisted minds. But in between takes, I have to cover Rhian’s body and wait for the next take.”

Ang kuwento nga ng kapareha niya bago kunan ang mapangahas at “steamy” shower scene nila ni Rhian, humingi muna ng red wine ang dalaga para pangkalma sa eksena niya with Piolo.

Noong unang sipat ni Piolo sa naturang eksena kung saan ipinakita ng direktor niya na sina Jeffrey Hiladgo (dating singer ng Smokey Mountain) at Roy Sevilla Ho, na-shock siya, nagulat sa eksena na ginawa niya na hindi niya na-imagine na magagawa pala niya.

Kung maaalala pa first “nude scene” ni Papa P. was sa pelikulang Dekada ‘70 with Christopher de Leon at Vilma Santos na dinirek ni Chito Roño, kung saan as an activist na nahuli at tinu-torture ng mga militar, pinaupo siya sa bloke ng yelo na hubo’t hubad na kita ang kabuunan ng kanyang katawan habang ang kamera na kumukuha ng naturang eksena ay nasa side lang ang shot.

Ang shower scene nina Piolo at Rhian ay first love scene naman ni Rhian sa kanyang showbiz career na wala siyang takip pang-itaas. Kumbaga, lapat na lapat ang kanyang boobs sa hubad na katawan ng aktor.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING