Piolo Pascual, nanliligaw na kay KC Concepcion!

Piolo Pascual, nanliligaw na kay KC Concepcion!DIRETSAHANG INAMIN NI Piolo Pascual na nililigawan niya si KC Concepcion. Siya raw ‘yung tipo ng manliligaw na umaakyat ng bahay sa babaeng nililigawan niya. Hanggang doon lang ang ikinuwento ni Piolo. As much as possible kasi, ayaw niyang mag-comment about it. Pagbibintangan na naman siyang ginagamit lang ang panliligaw niya kay KC bilang promo sa bago nilang teleserye sa ABS-CBN na Lovers in Paris.

Sa programang Lovers in Paris  nga supposedly ilo-launch ang maganda at controversial na si Maricar Reyes. And as a co-star on that serye, nalulungkot si Piolo sa pagkakadawit ni Maricar sa sex video scandal na pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon.

“I feel sad about her if ever she’s part of it. But just the same I have no judgment, you know,” sey ni Piolo sa solo presscon para sa paglabas niya sa Komiks Presents: Mars Ravelos’ Nasaan Ka Maruja?.

Sa nasabi ring presscon, binati ni Piolo si Ruffa Gutierrez para sa birthday presentation at anniversary na rin ng The Buzz last Sunday. Before John Lloyd Cruz, si Piolo ang unang natsismis na ‘imaginary friend’ ni Ruffa.

So, tinanong namin si Piolo kung hindi ba siya nagselos kay John Lloyd. “Malalaki na sila.” Boto ba siya kay Lloydie for Ruffa? “Basta masaya sila. Ako naman, pareho naman silang single,” sabi pa ni Piolo.

Speaking of Ruffa, may week-long birthday presentation siya sa morning show nila ni Ai Ai delas Alas na Ruffa and Ai, starting this Monday. Maraming rebelasyon ang bubulaga sa mga sorpresa nilang handog for Ruffa. Sa mismong birthday niya on June 24, may phone patch ang ina niyang si Anabelle Rama.

Dito sinabi ni Ruffa na walang dapat ikagalit sa kanya ang Mommy niya kung hindi pa niya naipapakilala ang friend niya na si John Lloyd Cruz. Isang rebelasyon ang ikinuwento ni Ruffa na supposedly ipakikilala niya sa buong family niya si John Lloyd over dinner one Sunday bago pumutok ang isyu sa kanila. Pero Biyernes daw, naaksidente ang kapatid niyang si Richard Gutierrez. Kaya hindi natuloy ang pagpapakilala niya ng kanyang friend over dinner sa Gutierrez family.

‘Yun na!

PATULOY ANG PAMAMAYAGPAG ni Prince of Pop Erik Santos sa musical arena. Kadarating lang niya mula sa Amerika kung saan siya nag-record ng kanyang bagong album under Star Records. No less than world-class singer/composer Jim Brickman produced his 10-track album. Nag-record siya ng kanyang album sa studio ni Jim Brickman sa Los Angeles.

Naglalaman ang kanyang pinakahihintay na album ng mga revivals at original compositions na sinulat ng magaling na singer/composer. Erik now joins the league of Lea Salonga, Martin Nievera, Pops Fernandez, Sharon Cuneta, Ariel Rivera and Agot Isidro who have previously collaborated with Jim Brickman.

Si Erik ay isang Backroom artist. Para sa mga katanungan tungkol kay Erik, maaaring tumawag sa Backroom, Inc. sa 4351108  at 4351120 o mag-e-mail sa backroomtalents@pldtdsl.net.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio