Piolo Pascual, nakabawi sa huling hirit

Piolo Pascual, nakabawi sa huling hirit

1 Piolo-PascualKAHIT ISA sa pinakasikat na actor sa showbiz si Piolo Pascual, hindi siya naging mayabang kahit na napakalaki na ng kanyang pangalan dahil sa init ng popularity niya. Kaya nga, maraming nagmamahal sa kanya ang sobrang natuwa para sa kanya ngayong kumita talaga sa takilya ang huli niyang ginawang pelikula sa Star Cinema, ang Starting Over Again kasama si Toni Gonzaga.

Parang nasa cloud nine ngayon si Papa P. dahil sa dami ng nagpaparating sa kanya ng magagandang salita tungkol sa pagtabo sa takilya ng kanyang pelikula.

“Nakakaawa nga si Piolo, dahil sinasabihan na siyang last card na niya ang huli niyang movie kapag hindi kumita. Kasi nga, iba talaga ang kanyang box-office appeal nu’ng magka-loveteam pa sila ni Judy Ann Santos. Ngayon, nakawala na siya sa panghuhusga na nagsasabing huling baraha na niya ang movie nila ni Toni,” wika ni Gladys Reyes.

Pero ngayong nakawala na nga si Piolo sa mga panlalait na hindi na umano siya makakabawi, huwag din naman dapat isipin na ang naging dahilan ng paglamlam ng popularity niya nitong nagdaang taon ay dahil sa mga pagsisiwalat ni KC Concepcion tungkol sa naging gusot sa nagdaan nilang relasyon. Marahil ay napasabay lang iyon sa hindi pagdating ng tamang project para sa guwapong actor, kaya marami ang nalungkot at nagtaka sa paghina dati ng kanyang career.

ChorBA!
by Melchor Bautista