Piolo Pascual, naikukumpara na sa binatilyong anak

ADVERTISING

Piolo Pascual, naikukumpara na sa binatilyong anak

Piolo-PascualPOSITIVE NAMAN ang dating, na ngayon ay nag-aartista na nga ang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo Pascual. Dahil pagkatapos ng ilang panahong ipinasisilip siya ni Papa. P. sa showbiz, ngayon ay nagsisimula na nga ang career ng panganay niyang anak. Nakikita raw ang mga senyales na si Iñigo, tulad ng kanyang daddy ay magiging mahusay rin daw na artista, dahil ngayon pa lang ay seryoso raw talaga ang bagets sa kanyang pag-aartista.

Kaya lang, dapat pagkatapos gumawa ni Iñigo ng isa o dalawang pelikula ay medyo i-career na rin niyang mas patunayan pa niya ang kanyang sarili. Ngayon pa lang kasi, nagsisimula na silang pagkumparahin ng kanyang Daddy. Unang pagkukumpara ay mas lamang na sobrang guwapo si Papa P. kumpara sa kanyang anak. Kaya sa acting man lang, simulan na dapat ni Inigo na gumawa ng pangalan, dahil baka ang acting ability niya ay ikumpara rin sa kahusayan ng kanyang daddy.

Nariyan na sina John Lloyd Cruz at Coco Martin na mahuhusay talagang umarte, pero may kakaibang marka rin si Piolo sa kanyang kahusayan, bukod pa sa magaan daw talagang makatrabaho ang guwapong actor. Si Iza Calzado nga nu’ng nasa bakuran pa ng GMA-7, paulit-ulit na sinasabing kahit imposible ay pangarap niyang makasama sa project si Papa P.  Ngayon ay magkasama na sila sa teleseryeng Hawak-Kamay ng ABS-CBN. Nakapila pa ang maraming aktres na gustong makasama si Piolo sa mga proyekto.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING