Piolo Pascual, nag-panic sa palpak na hair dye

ADVERTISING

Piolo Pascual, nag-panic sa palpak na hair dye

Piolo-PascualNAG-PANIC SI Piolo Pascual matapos na sumablay sa kanyang do-it-yourself hair dye procedure. Sa post ni Papa P sa kanyang Instagram account, makikita kung ano ang nangyaring kapalpakan sa ginawa niyang pagda-dye ng buhok, bigote, at balbas.

ADVERTISING

Sa umpisa hindi mapapansin ang inirereklamo ng aktor. Mapapansin lang ang nangyari sa kanyang comment/message na ipinapahiwatig niyang hindi dapat daw ipinauubaya ang hair treatment sa tulad niyang hindi naman professional.

Sa una, hindi mapapansin ang kapalpakan. Pero kapag pinagmasdang mabuti, saka lang makikitang nagmantsa sa bigote, balbas, at patilya niya ang hair dye. Sinubukang tanggalin sa pamamagitan ng kung anu-anong alcohol-base solution, pero hindi pa rin ito natanggal.

Dito na raw nag-alala ang aktor dahil may mayroon siyang TVC shoot that day at hindi niya alam kung paano malulunasan ang ginawang pagkakamali sa kanyang mukha. Mabuti na lang at magaling ang kanyang make-up artist na nagawan ng paraang matakpan ang pagkalat ng hair dye.

ADVERTISING

Humamig ng iba’t ibang reaksyon ang post na ito ni Papa P. Pero karamihan, ‘yun pa ring kaguwapuhan ng aktor ang nangibabaw sa mga comment. Marami rin ang nagbigay ng tips kung paano tatanggalin ang hair dye stains sa susunod na gagawin niya uli ito sa sarili.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING