Piolo Pascual, ‘nabahala’ matapos mapanood ang kanyang indie film

Piolo-PascualMAGING SI Piolo Pascual ay hindi makapaniwala na sobrang daring ang ginawa nilang eksena ni Rhian Ramos sa suspense-thriller movie na Silong.

“The first time I saw it, we had a press preview a couple of days ago and hindi ko alam na ganoon pala ka-daring ‘yung ginawa namin ni Rhian,” say ni Papa P sa Aquino and Abunda Tonight last Tuesday.

Pero more than the daring scene ay nakatatakot daw talaga ang pelikula. Siya nga raw mismo ay hindi nakagalaw nang halos sampung minuto matapos mapanood ang kabuuan ng pelikula.

“Of course, I don’t want people to focus on the daring scenes or the love scene. It’s more of a study of characters na I couldn’t move from my seat for 10 minutes after the movie ended,” say ni Papa P.

“It was disturbing,” dagdag pa niya.

Sa pelikula kasi ay isang doctor si Piolo na namatayan ng asawa at nakita niya ang character ni Rhian na duguan. Isinama niya ito sa bahay at inalagaan.

Aside sa bida ng movie si Piolo, isa rin siya sa producer ng Silong. Ang mga ganitong klase raw ng movie ang isa sa laman ng buckets list niya at sa panaginip lang daw niya kayang gawin dahil kakaiba ito sa usual movie na ginagawa niya.

Kung si Piolo ay ‘di makapaniwala sa ginawa niya sa movie ay mas nagulat at hindi rin makapaniwala si Rhian na magagawa rin niya ang mga daring scene nila ni Piolo.

Sa katunayan, sa sobrang pagod na naramdaman pagkatapos ng love scene ay hindi raw makagalaw si Rhian, kaya si Piolo na ang gumawa ng paraan para takpan ang hubad na katawan ng mestisang actress.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Previous articleRichard Gomez, ginagawa at pinaninindigan ang pangarap para matupad
Next articleJulia Montes, kahit anong role, kayang gampanan

No posts to display