Piolo Pascual, naaksidente sa bike

Piolo Pascual, naaksidente sa bike

Inigo-Pascual-Piolo-PascualNAG-POST SI Iñigo Pascual ng picture nilang mag-amang si Piolo Pascual sa Instagram na may benda pa si Papa Piolo sa kamay. Pero ayon sa caption ng young actor, mabilis naman daw maghi-heal ang sugat ng kanyang ama na tinawag pa niyang “scarface”.

“Meet scarface ..his scars are healing fast. Thanks everyone who’s praying,” caption ni Iñigo.

Makikita sa larawan na nakahiga pa si Piolo at mukha namang okey dahil nag-thumbs-up pa ito sa camera kahit na may benda ang kamay at daliri.

Nagkaroon ng minor bike accident si Piolo last Thursday habang nagsi-shoot ng ad for ABS-CBN mobile.

Nag-release naman ng statement ang ABS-CBN last Thursday din ng gabi sa show nina Boy Abunda at Kris Aquino sa Aquino & Abunda Tonight dahil marami raw ang naalarmang fans at inakalang napakalaking aksidente ang nangyari sa kanilang idol.

“Piolo Pascual had a minor bike accident while shooting an ad for ABS-CBN Mobile earlier (last January 22). He has a few scratches and small fracture in his finger. He already received proper medical attention for his injuries and has been cleared by the doctors to go home and rest,” ang nakasaad sa statement.

Dahil sa minor accident ni Papa P, asahan na may mang-iintriga na naman sa actor.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo