Piolo Pascual, may dahilang magkuripot sa press people

ADVERTISING

Piolo Pascual, may dahilang magkuripot sa press people

Piolo-PascualMAY KATUWIRAN naman palang mag-kuripot si Piolo Pascual sa press people dahil halos lahat ng kanyang earning sa showbiz ay ini-invest niya sa pagbili ng mga property. Hindi lang house & lot, may mga rest house ito sa Tagaytay, Baguio at Palawan. Pagmamalaking tsika sa amin ng isang Chinese businessman na binilhan ni Papa P ng property somewhere in Makati.

Pati nga raw sa The Fort, bumili rin ng unit si Piolo. ‘Yung bahay niya sa California, USA, matagal nang naipundar nito. Katas ng pagiging artista niya. Pati nga raw sa Europe ay may ilang unit din itong binili for investment at pinauupahan nito sa ngayon. Balak ring magpatayo ng condo ang actor. Nagpapahanap lang itong ng magandang location sa kanyang agent.

Tahimik lang si Piolo, hindi pinagmamaingay kung gaano na siya kayaman. Marunong humawak ng perang kanyang pinagpaguran. Super suwerte ng babaeng kanyang mapupusuan kung saka-sakaling lumagay na ito sa tahimik. Kailan naman kaya mangyayari ‘yun ?

Well, siguro kapag iniwanan na niya ang showbiz saka pa lang niya maiisip na magkaroon ng sariling pamilya. Sabi nga niya, “Hanggang gusto pa ako ng publiko, hindi ako titigil sa paggawa ng matinong pelikula.”

ADVERTISING

Sa status ngayon ni Papa P, kahit hindi na ito mag-artista, mabibigyan niya ng magandang kinabukasan ang kanyang magiging anak.

Sa takbo ng career ngayon ni Piolo, hindi niya priority ang kanyang personal life. Naka-focus sa kanyang career ang actor kaya’t malayo pang mangyaring maisipan nito ang paglagay sa tahimik. If ever raw na mag-aasawa ang singer/actor, mas gugustuhin niyang hindi taga-showbiz ang magiging misis niya. Gusto kasi ni Piolo na maging private ang kanyang personal lifre. Malayo sa intriga at hindi niya hahayaang maging part ng showbiz world ang babaeng tunay niyang mamahalin.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING