Piolo Pascual, malamlam na ang career

ADVERTISING

Piolo Pascual, malamlam na ang career

Piolo Pascual, malamlam na ang careerSOBRANG MALAMLAM talaga ngayon ang dating ng showbiz career ni Piolo Pascual, dahil matagal na rin kasi siyang walang malalaking proyekto na maipagmamalaki. Normal lang naman siyempre ‘yan sa sitwasyon ng mga artista, dahil kahit naman sina Nora Aunor, Vilma Santos, sina yumaong Mang Dolphy, FPJ, Rudy Fernandez o maging si Robin Padilla ngayon ay dumadaan din sa sitwasyon na parang mababa ang dating ng showbiz career.

Mas nauna sina Nora, Vilma at Robin kaysa kay Piolo, pero paulit-ulit silang nakakabawi. Pero ang mga kakontra ni Piolo ay para bang ang saya-saya sa mga nangyayari na down ngayon ang career ng guwapong actor. Ang positibo lang sa ugali ni Piolo, nananahimik lang talaga siya sa kabila ng maraming batikos sa kanya. Marami pa kasi siyang pinagkakaabala-hang trabaho sa labas ng showbiz, na hindi siyempre alam ng mga nagwi-wish na bumagsak siyang talaga.

Nalulungkot lang si Piolo, dahil pati kay Coco Martin ay isinasabong siya ngayon. Samantalang kahit kay John Lloyd Cruz na mabangung-mabango ngayon ang pangalan sa bakuran ng ABSC-CBN at Star Cinema, ay hindi siya nagkaroon ng problema o inggit dahil alam naman niya kung saan siya naka-lugar, at alam din naman niya kung saan na nakara-ting ang kasikatan niya.

 

ADVERTISING

NOONG MAKAHIWALAYAN ni Angelica Panganiban si Carlo Aquino ay sobra ang naging pag-iyak niya, dahil medyo bagets pa siya noon, at hindi niya kayang itago ang kanyang nararamdaman. Hindi naman nakapagtataka na iyakan niya ang bawat pakikipaghiwalay, dahil matindi siya kung magmahal. Kapag nakapaloob sa isang relasyon ang magandang aktres, todo-bigay na siya at iniisip na iyon na ang hu-ling lalaki sa kanyang buhay, na kanyang makakatuluyan.

Noong si Derek Ramsay ang makahiwalayan ni Angelica, malaki na ang kanyang pagbabago. Sobra siyang nasaktan, dahil pasok na halos sa anim na taon ang itinagal ng kanilang relasyon. Pero sa pagpapakita ng kanyang emosyon, pangingilid lang ng luha ang namalas ng marami mula sa kanya, ganu’n na rin ang matatag na anyo, pero parang may kinikimkim na galit at hinanakit sa kanilang hiwalayan. Matapang na ngayon si Angelica at hindi na basta umiiyak.

Hinay-hinay na si Angelica ngayon. Si John Lloyd Cruz na ang nagpapasaya ngayon sa kanyang lovelife. Pero kalmado lang siya sa dami ng nagpapara-ting sa kanya ng saya at pagsang-ayon sa bago niyang kaligayahan, ganu’n na rin sa pagkontra ng iba sa ugnayan nila ngayon ni Lloydie. Hindi talaga maiiwasan ng mga nagmamalasakit kay Angelica ang hindi kabahan, dahil lapitin si Lloydie ng mga kababaihan sa mga panahong ito. Tandaan, parang kailan lang ‘yung pag-amin ni JLC tungkol sa kanila ni Shaina Magdayao. Sa bilis ng mga pangyayari, hiwalayan nila ang sumunod niyang inamin. Ang bilis din ng kuwento na nagkaligawan sila ni Angelica, at ngayon ay umamin na silang pareho. Mayroon talagang mga kumokontra at nagsasabing abangan na lang kung magtatagal ba ang kanilang relasyon.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING