Piolo Pascual, mahirap hanapan ng swak na leading lady

ADVERTISING

Piolo Pascual, mahirap hanapan ng swak na leading lady

Piolo Pascual, mahirap hanapan ng swak na leading ladyMARAMI ANG hindi sang-ayon sa tambalang Piolo Pascual at Angelica Pa-nganiban. Kung titignan mo ang dalawa sa teaser ng kanilang teleserye, kita mo agad na wala silang chemistry. Walang dating sa manonood. Hindi kapani-paniwala ang character na pino-portray nila. Mas may intensity at very convincing ang team-up nina Angel at Diether Ocampo. The way I look at it, mas challenging ang role dito ni Diet. Ramdam mo agad ang character na ginagampanan niya. Bagay sila ni Angelica, swak sa isa’t isa.

Naiibang character daw ang ginagampan dito ni Piolo. Naulila, naging sanggano, palaban sa buhay at walang inuurungan. Matapang na lalaki, handang ipaglaban ang babaeng mahal niya. May mga eksena pa ipinapakita sa teaser ang pagiging brusko, macho ni Papa P. Naka-topless ito (kita ang abs) habang nakikipagsuntukan. Lagyan pa nang fight scene para ipakita ang kamachohan nito. Infairness, physically fit and almost perfect ang kanyang pangangatawan.

Sa presscon, kuwento sa amin, napansin agad nila ang malaking pagbabago sa mukha ni Piolo. Nawala na raw ang aura nito at bakas na raw na may edad na ang magaling na actor. Oo nga’t guwapo pa rin daw si PJ pero ‘yung glow nang pagiging isang sikat na artista, nawala na, naglaho na.

Hindi nga raw alam ni Angelica kung papaano niya ipo-promote ang show nila ni Piolo kaya pati raw pag-utot ng actor ay nasabi ng dalaga. Mas naka-focus daw ang actress kay PJ kaysa kay Diet. Mas gusto nitong pinag-uusapan ang ex-dyowa ni KC Concepcion. Sinabi pa ni Angel, may something raw siyang nararamdaman kapag si Piolo ang kaeksena niya sa kissing scene. Obvious naman daw na promo lang para pag-usapan ang kanilang show.

ADVERTISING

Hindi ba’t nagtambal na sina Piolo at Angelica sa pelikula, ang resulta, nag-flop daw ito sa takilya. Mahirap ihanap ng magiging leading lady ang actor na babagay sa kanya dahil sa mga controversial issue na ibinato sa kanya, kaya’t si Angelica na lang ang napili nila. Tutal naman, istorya ang ibinebenta sa publiko at hindi team-up nilang dalawa. Ganu’n?

 

Piolo Pascual, mahirap hanapan ng swak na leading ladyINABANGAN NAMIN last Monday ang paglabas ni Bong Revilla, Jr. sa Indio ng GMA 7. Makisig at very young looking pa rin ang dating ng senador. Sa pamamagitan ng action/drama/fantaserye ito magbabalik sigla muli ang action sa telebisyon at sa local cinema. Maging ang ABS-CBN ay gumawa na rin ng action-adventure na pinagbibidahan ni Coco Martin. Obvious namang milyun-milyon ang ginastos ng Kapuso Network para sa ikasisiya ng manonood.

First time, ngayon lang gumawa ng serye si Bong sa telebisyon. “Kung hindi naman worth it, hindi ko ito tatanggapin. Mahabang preparation ang ginawa ng GMA 7 bago kami nagsimulang mag-taping. Sa location na lang, out of town, napakahirap. Kailangan 3 to 4 days ang taping namin in one week. I would say, magiging history na itong Indio and I’m proud to this project,” say ng action superstar.

Labis na ikinatuwa ni Bong ang mala-king suportang ibinibigay sa kanya ng Kapuso Network. Bukod sa kanyang Amazing Kap Stories every Sunday, napapanood pa siya everyday after Saksi. May halong kilig ang senador nang tanungin namin siya kung sino sa tatlo niyang leading ladies na sina Jennylyn Mercado, Rhian Ramos and Maxene Magalona ang mas malakas ang sex appeal? Tumawa nang malakas si Bong. Sabi niya, “Obvious namang malakas ang sex appeal nilang tatlo.May kanya-kanya silang appeal para sa akin. Mahirap i-describe, alam na ninyo kung ano ang ibig kong sabihin. Hahahaha.”

 

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING