Piolo Pascual, Kakai Bautista at Vice Ganda naprank ni Bea Alonzo!

APRIL 1 is April Fools’ Day. Ito ang araw kung saan dapat ay hindi tayo naniniwala sa mga posts sa social media o mga kung anu-anong paandar ng mga kaibigan natin online man ‘yan or offline.

Hindi naman nagpahuli ang Kapuso actress na si Bea Alonzo sa April Fools Prank trend sa YouTube. What makes this different ay mga kaibigan niyang big stars lang naman ang kanyang nabiktim!

Piolo Pascual, Kakai Bautista at Vice Ganda naprank ni Bea Alonzo!
Bea Alonzo pranks Piolo Pascual

Ang unang biktima ay ang First Lady star na si Kakai Bautista. Ang script ni Bea ay diumano’y nakarating sa kanya na bina-badmouth siya ni Kakai habang ito’y nakikipag-usap sa ibang tao

Itinanggi ito ni Kakai at sinabing hinding-hindi niya ito gagawin sa kanya.

“Ikaw? Pulutan? Jusko kahit kailan hindi ko yun gagawin sa’yo. Sino ba nagsabe niyan? Papatumba ko!” sambit ni Kakai.

Kalaunan ay nakaramdam din ang Dental Diva na baka siya ay pina-prank ni Bea.

“Prank ba ‘to? Sabihin mo na kung prank ba ‘to?” at ayun. Bumigay din si Bea!

Hindi nakaligtas ang younger brother niya na si James. Ang script naman niya ay nabuntis siya diumano ng boyfriend na si Dominic Roque at kakasuhan siya ng GMA Network ng breach of contract sa halagang PHP 500 Million Pesos!

Noong una ay kalmado lang si James, pero nang timbangin nito ang bigat ng ‘problema’ ng kanyang ate ay sinabihan niya ito na huwag umiyak, when in fact ay nagpipigil sa tawa si Bea.

Umamin din agad ang magandang prankster bago pa tuluyang ma-stress ang kapatid! Lerkie!

Next naman ay ang one and only Papa Piolo Pascual! Alam naman natin na good friends ang dalawa noong pareho pa silang nasa Kapamilya Network. This time ay ang paglipat ni Bea sa Kapuso Network ang main hugot ng kanyang prank.

As expected ay nagdeny si Papa Piolo. “Hindi, sa totoo lang sorry ah. Kung sino man yang source mo ‘yun ang kausapin mo kasi ba’t naman sasama ang loob ko sa’yo eh that’s your choice. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ‘yan Bey pero sorry ah ba’t naman sasama loob ko sa’yo?”

Pinilit pa siya ni Bea na mag-open up kung may sama ng loob pa ito sa kanya. Nang aminin ni Bea na ito ay prank lamang, hirit ni Papa Pi: “adik ka, ‘yun na ‘yun?”

Pati ang celebrity photographer na si Mark Nicdao ay hindi nakaligtas. Nag-open up si Bea na kunwari ay nag-propose na ng kasal sa kanya si Dominic Roque, pero ito ay tinanggihan niya. Noong una ay naniwala si Mark sa paandar ni Bea at kino-console pa niya ito. Maya-maya ay umamin din ang aktres.

“Oh my God sasakalin ko kayong dalawa,” sambit ni Mark.

Last but not the least ay ang unkabogable star na si Vice Ganda. Yes, pati si Meme Vice ay hindi pinalagpas ni Bea!

Same ang script nito sa paandar niya kay Mark Nicdao. Knowing Vice Ganda, given na she will comfort her beloved friend lalo na’t may konek si Vice sa pagkikilala nina Dom at Bea.

Nang umamin si Bea na ito ay isang katuwaang prank lamang, naloka si meme!

“Pahinging tubig, nai-stress ako,” sambit ni Meme Vice.

Marami ang natuwa sa prank vlog ni Bea, na kung hindi kami nagkakamali ay first time niyang gawin sa kanyang channel.

Sa mga nakakamiss kay Bea Alonzo, huwag kayong mag-alala dahil kasalukuyang nasa lock-in taping na ito ng Philippine adaptation ng hit 2020 South Korean series na ‘Start Up’, kung saan makakasama niya sina Yasmien Kurdi, Jeric Gonzales at Yasmien Kurdi.

Sa sitcom kaya ni John Lloyd Cruz na ‘Happy To Get Her’ ay makakapag-guest na rin siya? Tutal, kering-keri na niya mag-prank at makipagbiruan as proven in this vlog, ‘diba?