Piolo Pascual, kabado sa pelikula ng anak na si Iñigo Pascual

ADVERTISING

Piolo Pascual, kabado sa pelikula ng anak na si Iñigo Pascual

Piolo-Pascual-Inigo-PascualKALOKA ANG mga bashers na walang magawa. Inggit lang siguro sa mag-amang Piolo at Iñigo Pascual na dahil sa magandang samahan ng mag-ama ay sila naman ang binabanatan sa social media. Inggit sila dahil kahit hindi lumaki si Iñigo with his dad; close sila na sa parte naman ni Piolo ay may effort siya na punan ang naging kakulangan niya sa anak noong early stage ng pagbibinata nito ay doon sa Los Angeles, California ito lumaki.

Sa IG account ni Papa P at ng anak, makikita mo ang bonding nilang dalawa. Masaya sila kapag magkasama. Puro wacky shots nga ang pinu-post nila sharing to their fans ang mga magagandang memories na pinagsasaluhan nila ngayon.

Sa katunayan, numero uno fan ni Piolo and anak and vice versa.

Vocal si Iñigo kung bakit niya pinasok ang showbiz. “My dad is my idol,” pagyayabang niya sa press launch ng Relaks, It’s Just Pag-ibig na produced ng Spring Films ng ama.

ADVERTISING

Pero sa mga hindi nakaaalam, mas kabado si Piolo sa magiging outcome ng pelikula, lalo pa’t anak niya ang nakasalalay.

Kaya nga noong gabing nag-launch ang movie sa media, nasorpresa si Iñigo na sa radio promo nila sa DZMM, nandu’n ang ama at kasama niya ay pumayag na magpa-interview sa kaibigang Jobert Sucaldito at Papa Ahwel Paz.

“He is very supportive in my career,” pagmamalaki pa ng anak sa ama.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING