Piolo Pascual, ipinagmalaking si Judy Ann Santos ang dahilan ng pagsikat

Piolo Pascual, ipinagmalaking si Judy Ann Santos ang dahilan ng pagsikat

Piolo-PascualNAGTAGPO SA backstage ng ASAP last Sunday (June 21) sina Judy Ann Santos at Piolo Pascual.

Sa kanyang Instagram account na @piolo_pascual ay ipinagmalaki ng aktor na si Juday ang nagbigay sa kanya ng break para makatambal ito, na ito ang simula ng magandang estado ng aktor sa showbiz.

Sa kanyang IG message sa picture na kasama ang dating girlfriend na masaya na ang buhay may-asawa: “So great to see the person that gave me my biggest break in showbiz… I’ll always be indebted to your kindness… Congrats on another blessing ;) (smiley)Sana makawork kita uli @officialjuday”.

Last Sunday, nasa ASAP si Juday para i-promote ang kanyang kauna-unahang cook book na Judy Ann’s Kitchen na ngayon pa lang ay pina-plano na ang 2nd edition dahil after mai-launch ito last Friday at only last Saturday na mabibili na sa National Bookstore may clamor na for a second book.

Si Papa P naman as a regular host ng show and as a true gentleman ay inasikaso ang aktres.

That afternoon, isinabay rin ang promo ng pelikula ni Papa P with Sarah Geronimo na The Break-up Playlist na mapanonood na come July 1st.

Ngayon na nasa almost two months na preggy si Juday, not a bad idea na ang next project ni Piolo is a film with Judy Ann next year.

Pagkapanganak ni Juday, malamang hahanap-hanapin niya ang trabahong showbiz na timing lang na matapos magkasama sina Papa P at Pop Princes for a July playdate ng kanilang pelikula, puwedeng-puwede na mid next year para magkapelikula silang dalawa para sa Star Cinema.

Tulad nga ng sabi ng aktres noon tungkol sa muling pagsasama nila ni Papa P sa pelikula: “Anything can happen…” Ibig sabihin open si Juday sa posibiidad, and for sure happy to the max ang mga Juday-Piolo fans nito ‘pag nagkataon.

 

Reyted K
By RK VillaCorta