Piolo Pascual at Iñigo Pascual, bakasyon muna sa trabaho

Piolo Pascual at Iñigo Pascual, bakasyon muna sa trabaho

Inigo-Pascual-Piolo-PascualSA SUNDAY show na ASAP, isang malaking selebrasyon ang ibinigay ng show kay Piolo Pascual para sa kanyang kaarawan last Monday.

Kaya naman rest day kahapon ni Papa P. at ng anak na si Iñigo dahil magbabakasyon ang dalawa sa Batanes (kung walang changes sa schedule ng mag-ama).

Pero bisperas ng kanyang kaarawan (Sunday), nagkaroon ng special mass si Fr. Tito Caluag (Chaplain ng ABS-CBN) para sa aktor, kung saan ang Ateneo Chambers ang kumanta sa misa. After the mass, a birthday dinner- salubong ang idinaos in honor of Papa P. ng mga pamilya niya at mga kaibigan.

Sa kaarawan niya mismo (Monday), si Iñigo, nagpa-reset ng kanyang shooting schedule (dapat may work siya noong Lunes) para lang makasama ang ama.

Sa kuwento ng binata (na tila chickboy at pinagsasabay diumano si Sofia Andres at ngayon ay type din si Julia Barretto); it’s a bonding time with his dad sa kaarawan nito.

“I don’t know what gift to give on his birthday. Last Christmas I wrote a three pages letter at natuwa siya,” kuwento niya sa Pananagalog niya with an American twang. Ang sulat kay Papa P ay hand-written (kaya nag-effort talaga ang binata) with matching art work pa sa harapan.

Sa ngayon, si Iñigo, busy sa month long episode niya with Julia sa Wansapanataym na napapanood every Sunday.

Sa kampo naman ni Papa P., abala naman siya sa rehearals para sa paghahanda sa nalalapit niyang series of shows sa Australia very soon.

Reyted K
By RK VillaCorta