Piolo Pascual, inaming si Shaina Magdayao ang gustong maging next girlfriend

ADVERTISING

Piolo Pascual, inaming si Shaina Magdayao ang gustong maging next girlfriend

Piolo-PascualINAMIN NI Piolo Pascual sa Sunpiology Sunset Color Run presscon na kung magkakaroon man siya ng susunod na girlfriend, ito ay si Shaina Magdayao na.

Nakita na ang ilang mga photos na kuha nila ng aktres sa ASAP para sa 60 Years Kapamilya Anniversary na ginanap sa Marikina Sports Copmplex na magkahawak-kamay, ramdam namin kung gaano kaespesyal para sa aktor si Shaina, kung saan naging magkaibigan sila noong nagkasama pa lamang sila sa Lobo at lumalim pa ito nu’ng nagsimula silang lumabas at mas nakilala ang isa’t isa.

Ikinuwento ng aktor na magkasundo at nagkakaintindihan silang dalawa ni Shaina, tanggap at wala ring problema rito ang pagkakaroon niya ng anak.

Naging masalimuot, kontrobersyal at ‘di biro ang mga pinagdaanan ni Piolo nang mauwi sa break-up ang relasyon nilang dalawa ni KC Concepcion. Ang kagustuhan na proteksyunan ang pamilya niya, ang babaeng mahal niya at ang kanyang sarili kung bakit gusto ni Piolo na gawing pribado ang kanyang buhay pag-ibig. Pero tanggap niya na kahit gustuhin man niya ito ay malabong mangyari dahil artista sila pareho at pag-uusapan at pag-uusapan sila.

ADVERTISING

Shaina-Magdayao-Piolo-PascualSa nakikita namin, magiging matagumpay ang relasyon na ito nila Piolo at Shaina dahil sa pagiging public property ng dalawa ay ‘di sila matakaw sa publisidad, kung saan mas pipiliin pa nilang manahimik na lang lamang kaysa sumagot para mapag-usapan.

Sa ngayon, tinatapos ni Piolo ang pelikulang UnLoved You kapareha si Toni Gonzaga na nu’ng una pala ay niligawan ng aktor, pero ‘di nga lang ito na-push dahil pareho silang busy ni Toni. Kapareha niya rin si Rhian Ramos sa pelikulang Silong, isang indie film kung saan isang psychopath ang role na gagampanan niya na matagal nang gustong gawin ni Piolo.

 

NGAYONG MAGKASAMA sina Cristine Reyes at Derek Ramsay sa Hawaii, may ilang ngasasabi na baka ‘pag bumalik daw ng bansa ang dalawa mula sa series of shows ay nagkabalikan na rin ang dalawa.

Sa mga past interview kasi sa hunk actor, sinabi nito na hindi pa sila nagkakausap na dalawa ng ex. Pero ngayong magkasama nga sila sa ilang shows na malayo pa sa mata ng mga tao, baka magkaroon daw ng tsansa ang dalawa na makapag-usap ng seryosohan at maayos ang dapat na ayusin sa kanila.

Hanggang sa ngayon, isa pa ring malaking palaispan ang rason ng paghihiwalay nina Cristine at Derek, kung saan parehong tikom ang mga bibig nila tuwing tatanungin ang aktor tungkol dito. Ang consistent lang na sinasabi ni Derek ay gusto niyang i-save ang kanilang pagkakaibigan hangga’t maaga pa, kaysa masira ito ‘pag nagpatuloy pa ang kanilang relasyon.

Sa mga naunang tweet ni AA, ramdam namin na nasaktan ito sa kinauwian ng relasyon nilang dalawa ng aktor, lalo’t balita na si Derek talaga ang nag-initiate ng kanilang paghihiwalay.

Isa ring relieable source ang nagkuwento na dumalaw raw minsan si Cristine sa taping ni Derek na may dalang napakaraming turon, pero di raw ito pinansin ng aktor. Sa nakikita namin, mukhang malalim para kay Derek kung anuman ang rason niya para ganu’n lang kadaling i-give up ang kanilang wala pang isang buwang relasyon.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING