Piolo Pascual, inamin na si KC!

SA WAKAS, INAMIN na ni Piolo Pascual na girlfriend na niya si KC Concepcion. Sa The Buzz kahapon, walang kagatul-gatol na sinabi ni Piolo ang katagang ‘YES’ nang tanungin siya ni Charlene Gonzales kung sila na ba ni KC.

Ayon pa kay Piolo, ngayon lang daw siya may inamin sa publiko tungkol sa kanyang private lovelife “for the first time in so many years.” Dahil lumalabas nga rin sa pahiwatig ni Piolo na si KC na ang gusto niyang pakasalan.

“Siguro ‘di ako aamin ng ganito… ‘di ako magte-take ng risk, kung hindi ko siya gustong makasama nang habambuhay…”

Last October 21, 2010 pa raw nang sagutin si Piolo ni KC, at almost two years ng niligawan ng aktor ang dalaga bago niya ito napasagot.

“It’s very liberating!” Bulalas ni Piolo dahil nga mahigit tatlong buwan niyang inilihim na sila ni KC. Sa mga interview nga noon kay KC, hindi ito nagbibigay ng malinaw na pahayag sa estado ng relasyon nila ni Piolo. At lagi ngang ibinabato na si Piolo ang dapat na mag-confirm o mag-deny kung sila nga.

It’s only proper lang din naman kay Piolo, bilang lalaki, na siyang umamin sa relasyon nila ni KC.

Hindi nga lang daw ganu’n kadali para kay Piolo na umamin sa simula, dahil marami silang ikinukonsidera at pinoprotektahan ni KC. Pero sabi nga Piolo, “I have to deal with it,” patungkol sa kung ano man ang magiging reaksiyon ng kanyang anak, at umaasa rin naman ang aktor na maiintindihan siya ng lahat sa ginawa niyang pag-amin.

Bagama’t may halong biro, may pahiwatig at babala si Piolo sa mga nais magpalipad-hangin pa sa tinatawag niyang ‘my princess’.

“Para matigil na rin ang mga nagpaparinig kay Kristina (pangalan ni KC),” sabay malakas na tawa at sabi ng, “Joke!” ni Piolo.

Gayunman, inulit ni Piolo ang babalang iyon sa bandang huli ng interview sa kanya ni Charlene: “I just want them to know that she’s taken.”

Samantala, nabigla naman si KC sa ginawang pag-amin ni Piolo sa kanilang relasyon. wala raw silang pinag-usapan tungkol sa bagay na iyon, at hindi niya iyon expected.

Tanging nasabi na lang ng actress-TV host: “I really appreciate his statements… his words… Thank you PJ!

Marami mang nadismaya sa pag-aming iyon ni Piolo – nadismaya dahil si KC na ang nagmamay-ari ng kanyang puso, at hindi na nga p’wedeng ligawan ng iba si KC – tiyak na mas marami ang natuwa at kinilig for Piolo, for him man enough to stand for her girl! ‘Yun na!

Danny’s Law

by Danilo Jaime Flores

Previous articleSarah Geronimo, palaban na sa mga intriga!
Next articleNang Hinarot si Llyodie!

No posts to display