PIOLO PASCUAL, INACTIVE ANG SEX LIFE!

ADVERTISING

PIOLO PASCUAL, INACTIVE ANG SEX LIFE!

PIOLO PASCUAL, INACTIVE ANG SEX LIFE!
Piolo Pascual

TAGAL KO RIN hindi nakita in person si Piolo Pascual.

ADVERTISING

Tila nagbawas siya ng timbang na based sa last na pagkikita namin ng actor sa isa niyang event at ikukumpara mo siya ngayon, nagbawas siya ng almost 10 lbs yata.

Sa AVP na ipinakita sa product launch for a healthy drink na “My Daily Collagen”, ang bicep niya sa suot na sleeveless shirt ay medyo nagnipis

Pero guwapo pa rin si Papa P. Ang ngiti niya ay pamatay pa rin sa mga babae at beks na until now na malapit na siya mag-singkuwenta ay “pantasya” pa rin siya.

ADVERTISING

Iba ang charm kasi ni Papa P. Mapapatigalgal ka habang nagsasalita siya at nakatingin siya sa mga mata mo.

Isa sa mga rason marahil kung bakit nagbawas ng timbang ang actor ay ang fasting na ginawa niya dahil kasama siya sa pagpa-fasting ng mga kapatid nating Muslim. “It’s Ramadan and it will last for a month.”

Pero healthy si Papa P. Wala siyang sakit. With his lifestyle that he goes to bed before midnight at sa kanyang healthy habit of eating the right food and daily exercises, sa awa ng Panginoon ay walang health issues si Papa P.

Pero alam nyo ba na matagal na siyang walang sexlife? Zero. No Sex si Papa P. nang may magtanong kung ang pinu-push niya na “My Daily Collagen” ay nakakatulong din sa pagtaas ng libido ng umiinom.

Pero si Papa P. marunong sumagot sa muntik-muntikan na masukol sa “sex question” ng ilan na nagi-interview sa kanya.

PIOLO PASCUAL, INACTIVE ANG SEX LIFE!
Piolo Pascual

Kung hindi healthy si Papa P. sa kanyang pangangatawan, malamang, malalaspag siya sa klase ng work load niya.

Five times a week ay napapanood siya sa seryeng “Since I Found You” na malaki ang oras na kinakain sa oras niya sa pagte-taping at mayroon pa siyang inilalaan na taping sa “Home Sweetie Home” na napapanood every Saturday evening at ang Sunday ASAP na hindi lang on a Sunday siya nagwo-work ng live at dahil kasama na ang extra work para sa preparation ng production number niya sa naturang Sunday show ay nakakapagod ang schedules ng actor. Dahil sa kanyang nightly serye ay hindi niya maisingit ang pagawa ng pelikula.

More updates on Piolo Pascual sa mga susunod nating columns like ang pagiging busy niya itong 2018-2019 sa pagpo-produce niyan ng pelikula with Ogie Alcasid in the lead at ang first screen team-up ng anak niya na si Inigo Pascual at girlfriend na si Maris Racal.

 
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING