Piolo Pascual, hindi pa laos

ADVERTISING

Piolo Pascual, hindi pa laos

Piolo-PascualYES! PIOLO Pascual retained his stature as a bankable actor nang dahil sa mega success ng pelikula niya Start Over Again with Toni Ganzaga sa direksiyon ni Olivia Lamasan under Star Cinema. Bukod sa pagiging in-demand endorser, multi-platinum recording star, isa rin siyang box-office producer.

Marami ang humanga kay Piolo sa kanyang  perseverance and dedication sa trabaho lalung-lalo na siya Direk Olive at Madam Charo Santos. Sobrang thankful ang actor/singer sa mga ito.Maging sa kanyang mga supporters na patuloy na naniniwala sa kakayahan niya as an actor. Masasabi natin si PJ ay isang phenomenal artist ng kanyang henerasyon at pinatunayan niya ito.

Inamin ni Piolo na nandu’n ‘yung kaba hangga’t hindi pa naipalalabas ang pelikula nila ni Toni G. Ni-ready na nga raw niya ang sarili kung sakaling hindi nga ito kumita sa takilya. Nagdesisyon na siyang iwan ang showbiz at manirahan sa US with his son Iñigo. Kahit mabigat sa dibdib, kilangan daw niya itong tanggapin. Ipinaubaya na niya kay Lord ang lahat, whom he consider as the creator of his destiny.

Nang dahil sa super success ng tandem nina Piolo at Toni, balita namin may follow-up movie uli silang dalawa under Star Cinema, wala pang confirmation kung kailan ito sisimulan. Naghahanap pa raw ng magandang istorya si Direk Olive na swak sa panlasa ng manonood. May solo movie munang gagawin si Papa P this year.

ADVERTISING

 

LAST MONDAY, the regional qualifiers went to Manila for the preliminaries screening ng Miss Little Earth Philippines held at Manila Ocean Park. More than one hundred candidates ang nag-participate sa nasabing event all over the Philippines. Only twenty candidates for Ms. Little Earth Philippines and twenty four Miss Teen Earth Philippines to be the official grand finalist.

Tumayong screening committe nang hapon ‘yun sina IC Mendoza, Gwen Ruais, Mel Martines, at Vas Bismark (trademark owner) habang rumarampa on stage ang mga little cutie girls candidates sa nasabing beauty pageant.

Maraming activities ang naka-line-up for the pageant finalists. May environmental projects that support their chosen advocacy. The girls will also do some sponsor visits and photo shoots. Magkakaroon din ng press presentation on May 21, gala night on May 24. The Miss Teen Earth and Little Miss Earth Philippines grand pageant night is on May 27 at SM Mall of Asia Arena. Telecast on June 8 via GMA 7’s SNBO.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING