Piolo Pascual, hindi magawang magalit sa mga nang-iinis sa kanya

ADVERTISING

Piolo Pascual, hindi magawang magalit sa mga nang-iinis sa kanya

Piolo Pascual, hindi magawang magalit sa mga nang-iinis sa kanya

MAYROON SIGURONG mga sariling dahilan ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion, kaya hanggang ngayon ay patuloy pa rin silang nagpapakawala ng mga salitang kung pakaiisipin mo ang mga kahulugan ay parating mayroong tinutumbok na parunggit kay Piolo Pascual.

Hindi man eksakto ang mga pananalita ay namumutawi lagi sa mga salita ng Megastar ang tungkol sa kuwestiyunableng seksuwalidad ng isang lalaki. Habang si KC naman, sa kanyang mga pananalita ay mahahalata mo na hirap pa ring makalimot tungkol sa pinagdaanan nilang relasyon ni Piolo.

Ang maganda lang sa ugali ng Megastar, kung gaano siya kaprangka at kung gaano rin siya kahaba magpaliwanag kapag mayroon siyang gustong sabihin, pinaninindigan niya talaga iyon, at alam niya ang kahulugan ng mga salitang kanyang pinapakawalan. Nagmana rin nga sa kanya si KC, dahil kung ano ang kanyang nararamdaman sa ngayon ay walang takot din niyang sinasabi. Kesehodang ang mga nakakarinig ng kanyang mga sinasabi ay nag-iisip na hanggang ngayon ay mayroon pa rin siyang mga sama ng loob kay Piolo.

ADVERTISING

Paminsan-minsan na lang ang mga pagsasalita ng megastar at ni KC kabuntot ng nagdaang relasyon ng huli kay Piolo. Kaya para sa ibang tao, lumalabas pa ring kontrabida ang mag-ina sa pagkatao ni Papa P. Pero sa ngayon, marami pa rin ang humahanga at nagmamahal sa isa sa mga bida ng teleseryeng Dahil Sa Pag-ibig ng ABS-CBN, dahil consistent pa rin siya sa kanyang ugali na hindi siya napo-provoke ng anumang mga salitang pupuwedeng magpagalit sa kanya.

 

DEADMA LANG si Alessandra da Rossi sa mga nayayabangan sa kanya nang sabihin niyang kung hindi man ngayon ang panahon niya para muling mapansin at tumanggap ng mga parangal bilang pagkilala sa kanyang kahusayan bilang aktres, naranasan na rin naman niya na maihilera ang kanyang pangalan kina Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta at Maricel Soriano sa mga gabi ng parangal nu’ng kasagsagan ng kanyang pagbibida sa pelikula.

Magaling naman talaga si Alessandra at wala siyang inggit sa kapwa niya mga artista kung mayroong mga baguhan na napapansin ang talento sa pagganap. Ipinagmamalaki niya na sa bawat proyektong kanyang gawin, ke teleserye o pelikula ay hindi naman siya naaapi dahil naroon pa rin naman lagi ang pagpapahalaga sa kanyang kakayahan.

“’Yung tipong sinasabi nila sa akin na ibinigay nila ‘yung role, dahil bagay sa akin at maganda talaga. Ipinagpapasalamat ko naman iyon, kaya pinagbubutihan ko na lang sa abot ng makakaya ko,” wika ni Alex.

Kahit naman ang mga beteranang artista sa showbiz ay naniniwala rin sa kahusayan ni Alessandra. Narating na niya ang kanyang kasikatan, kaya wala sa ilusyon niya ang makipagkumpitensiya. Aktres siyang talaga katulad nina Iza Calzado, Cherry Pie Picache at Jaclyn Jose na papalakpakan mo ang kahusayan. Pero nakakalungkot lang na wala silang katangian tulad nina Nora, Vilma, Sharon at Maricel na mayroong box-office appeal, kaya nagre-reyna sa takil-ya.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING