Piolo Pascual, good karma pa rin sa kabila ng mga intriga

Piolo Pascual, good karma pa rin sa kabila ng mga intriga

Piolo-PascualGOOD KARMA talaga si Piolo Pascual, dahil kahit naman medyo mahirap din siyang basahin bilang showbiz personality, dahil mahiyain din naman siya kahit sikat na sikat na siya, apaw naman ang kanyang magandang breeding. Mapakisama siya sa mga taga-showbiz. Kaya nga, kahit na ang dami-daming gusto siyang ilaglag para maging laos na artista, hindi sila nagtatagumpay. Kasi nga, napakalakas ng kanyang karisma sa mga tao.

Sunud-sunod ang magagandang nangyayari sa buhay ni Piolo, na siyempre pa’y sobra niyang ipinagsasaya. Una na nga riyan, naging positive ng dating ng kanyang anak na si Iñigo Pascual sa mga taga-showbiz. Ang mahabang intrigahan sa pagitan ng ex-girlfriend niyang si KC Concepcion ay nabasag na, dahil nagkaharap at nagkausap na sila. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib ang guwapong aktor. Nanumbalik din ang lakas niya sa takilya at napatunayan iyon ng pelikulang pinagsamahan nila ni Toni Gonzaga nu’ng nakalipas na taon.

Ngayon naman, muli na namang magbibida si Piolo kasama si Sarah Geronimo sa pelikulang The Break-Up Playlist ng Star Cinema. Isang bago at magandang kumbinasyon ito sa una nilang pagsasama. Ano ba? Iniintrigang parang uncle na raw ni Sarah si Piolo! Naman! Walang ganyanan. Bagay sila, dahil mas bata nga ang singer-actress, pero hindi na bagets ang kanyang hitsura, huh! Si Piolo naman ay isa pa rin sa pinakaguwapong aktor sa showbiz ngayon, na mahirap talunin ang hitsura. Kaya tigilan ang mga ganyang pang-iintriga, huh!

ChorBA!
by Melchor Bautista